Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PNP, iniimbestigahan ang banggaan sa EDSA Busway na sangkot ang police vehicle

Iniutos ng Philippine National Police (PNP) ang isang impartial investigation sa viral na banggaan sa EDSA Busway na sangkot ang isang police-marked vehicle at isang pampasaherong bus noong Abril 17.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bineberipika na ang mga operational documents para matukoy kung ang police vehicle ay nasa lehitimong operasyon nang mangyari ang insidente.

“If this was not an emergency or a legitimate operation, then it’s a clear violation of our deployment protocol. Walang special lane para sa mga pulis na walang official business. We will hold the driver and the supervisor accountable,” ani Nartatez.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagbanggaan ang isang PNP-marked lightbus na bahagi ng Libreng Sakay program at isang civilian passenger bus sa northbound lane ng EDSA malapit sa Main Avenue, Barangay Socorro sa Cubao, Quezon City.

Lumabas ang insidente matapos mag-viral ang video na kuha ng isang pasahero ng civilian bus. Sa video, may mga nagsabing biglang lumiko ang sasakyang may marka ng PNP.

Makikita rin sa footage ang isang pulis na kumakaway at hinihingan ng identification card ang driver ng pampasaherong bus matapos ang banggaan.

Ayon sa pulisya, minor property damage lamang ang naitala at walang nasugatan sa insidente.

Sa kabila nito, iniutos ni Nartatez ang pagsasagawa ng administrative review para tukuyin ang buong pangyayari at alamin kung nasunod ang standard operating procedures.

Saklaw din ng imbestigasyon ang command supervision at posibleng lapses sa disiplina ng unit na sangkot sa insidente.

Binigyang-diin ng PNP na pananagutin ang mga opisyal kung mapapatunayang may paglabag sa umiiral na mga patakaran sa paggamit ng police vehicles, lalo na sa mga lane na may mahigpit na regulasyon tulad ng EDSA Busway. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles