Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 menor, nasagip sa bangin sa Bontoc matapos ma-stranded sa hiking

BONTOC, Mountain Province — Tatlong menor de edad ang nailigtas ng pulisya matapos ma-stranded sa bangin habang nagha-hiking sa bahagi ng Agkuyo, Samoki sa Bontoc.

Ayon sa ulat, nagpunta ang mga kabataan para mag-trekking ngunit napadpad sa matarik na bahagi ng bangin kung saan hindi na sila makabalik. Isa sa kanila ang nakatawag sa hotline ng pulisya na agad namang rumesponde.

Nagsagawa ng rescue operation ang Bontoc Municipal Police Station katuwang ang mga criminology interns. Gumamit ng rappelling technique ang rescuers para marating ang kinaroroonan ng mga menor.

Matagumpay na naiahon ang tatlo nang walang naiulat na malubhang pinsala.

Nagpaalala ang Philippine National Police sa publiko, lalo na sa mga mahilig mag-hiking at trekking, na magplano nang maayos, magdala ng sapat na kagamitan, at ipaalam sa pamilya o lokal na awtoridad ang kanilang pupuntahan upang maiwasan ang aksidente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles