Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Planet XP ni Miguel Tanfelix, magbabalik sa GMA

Samahan si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix na balikan ang kanyang mga naging makabuluhan at masayang adventure sa Planet XP.

Simula June 27, muling mapapanood ang Planet XP sa GMA Network. Una itong umere noong May at talagang namang pumatok ang magazine show sa viewers. Isa sa mga pinuri nila ang hosting style ni Miguel. 

Ayon sa ilang netizens sa GMA Playground YouTube channel, ““Bagay kay Miguel ang travel show. Sana may Season 2. Grabe kahit sa hosting may sense of humor. Sana masundan pa ang hosting projects ni Miguel.”

Puring-puri rin ng mga manonood ang pagpapahalaga ng programa sa kultura ng Pilipinas at mga katutubo sa bansa gaya ng Dumagat Tribe. Puno rin umano ito ng kaalamanan gaya ng pagbibigay ng tips o mga do’s and don’ts sa pagta-travel.

Kaya naman ito na ang pagkakataon para muling matunghayan ng mga Kapuso ang journey ni Miguel sa Planet XP na ayon sa kanya, ““Hindi sapat na pinapanood mo lang sa social media ‘yung adventures. Kailangan ma-experience mo firsthand ang pag-connect sa nature dahil marami kang matututunan.”

Mag-ready nang i-explore ang kalikasan at ganda ng Pilipinas at subaybayan ang replay ng Planet XP simula June 27, tuwing Sabado mula 9:30 hanggang 10:15 p.m. sa GMA-7.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles