Dahil sa naging mainit na pagtanggap ng madla sa naging guesting ni Bimby Aquino sa birthday celebration ni Ryzza Mae Dizon, tila nakikita ng sambayanan ang pagiging bahagi ng Eat Bulaga ng anak ni Kris Aquino.
Nitong mga nakaraang araw, regular na nakikita si Bimby sa mga segment ng “Age is Right at Pinoy Henyo”, kaya naman marami ang nagsasabing mukhang magkakaroon ng bagong co-host ang show.
Ayon sa napag-alaman ng BISTADO mula sa ilang matataas na sources mula sa EB, “nothing is definite yet but we truly want him to be part of our show eventually. Maganda ng feedback ng guesting niya before and honestly speaking, konting exposure pa at bagay na bagay, swak na swak na siya sa Bulaga.”
“Possible po kaya na magkaroon uli ng mala-AlDub sa kanila ni Ryzza dahil dun naman talaga nagsimula ang lahat–sa maganda at nakakakilig nilang chemistry,” tanong ng BISTADO sa parehong sources.
“We will get there. May plano na, pero inaayos pa. Timing lang,” sagot ng mga ito sa BISTADO.
Samantala, nang makarating daw kay Kris Aquino ang tsika tungkol sa possibility na maging bahagi ng Dabarkads si Bimbs, tuwang-tuwa daw ito.
Sa ginawa nitong pagbisita kamakailan sa puntod ng mga magulang ay napag-usapan umano ang pagbibigay niya ng sariling PA’s o assistants ni Bimbs lalo’t regular din pala itong nag-voice lessons at may mga dinadaluhang sessions tungkol sa public speaking, hosting at pakikisalamuha sa mga tao.
Nakarating na din umano kay Kris ang napabalitang pinaghahanda na mismo ni bosing Vic Sotto si Bimby para maging bahagi din ng SUGOD BAHAY team na madalas ay ginagawa sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.


