Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PH boxers, hangad ang Asiad gold matapos ang 16 taon

Layunin ng pambansang koponan ng boksing na wakasan ang 16 na taong pagkauhaw sa gintong medalya sa 20th Asian Games na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Nagoya, Japan.

Pangungunahan ng mga Olympic medalists na sina Nesthy Petecio (60kg), Aira Villegas (51kg), Carlo Paalam (55 kg) at Eumir Marcial (80 kg) ang koponan na kinabibilangan din nina Riza Pasuit (54 kg), Junmilardo Ogayre (60 kg) at Norlan Petecio (70 kg).

“We have seven boxers. It’s going to be a really tough task and the boxers know that. But I’m very excited for them,” ani Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) president Marcus Manalo sa isang press conference.

Bago pumunta sa Japan, may nakatakdang professional fight sa Los Angeles, California, USA sa Setyembre 19 si Marcial.

Si Marcial ay bronze medalist sa 2020 Tokyo Olympics at nag-iisang boksingerong nakapag-uwi ng medalya (silver) sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China. 

“We’re hoping that he will be fit to box and fresh after his pro fight so he can fly straight from Los Angeles to Nagoya,” ani Manalo.

Hindi makalalahok sa Nagoya si Weljon Mindoro, na maaaring pumalit kay Marcial sa mas mabigat na dibisyon, matapos siyang patumbahin ng kalaban na Mexican sa isang professional fight sa California noong nakaraang linggo.

“We have our Olympic medalists but that could work for or against you because if you’re a competitor, that’s the one you want to beat. But as for me, I’m still betting on the Olympic boxers,” ani Manalo.

Dumalo ang mga boksingero sa dalawang linggong training camp sa Thailand at nagtungo sa Nagoya noong Lunes ng gabi para sa mas maikling training camp bago magsimula ang mga kompetisyon sa Setyembre 21.

“It was a productive camp in Thailand with teams like China, Jordan, Chinese-Taipei and the host country. The Japan camp will be shorter. Some sparring and mostly to acclimatize,” kwento ni Manalo.

Matapos manalo si Rey Saludar (-52kg) ng huling gintong medalya ng bansa noong 2010, nakapag-uwi ang mga boksingerong Pilipino ng tatlong silver at limang bronze medalya sa biennial meet.

“We’ve had zero gold in the past 16 years, so just being on top of the podium once is a big deal,” ani Manalo.

“If you look at the gold medalists in the Paris Olympics, 70 percent are from Asia. Yes, 70 percent. It’s so difficult.” 

Nakakuha ang Uzbekistan ng limang gintong medalya, tatlo naman ang napanalunan ng China, habang isa sa 13 gintong medalya na nakataya ang napunta sa Chinese-Taipei.

Ang 464 na atleta ng Pilipinas na sasabak sa Asiad ay pangungunahan nina Alex Eala ng tennis, Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, EJ Obiena ng pole vault, Annie Ramirez ng jiu-jitsu at men’s basketball team na magdedepensa ng korona.

Sa nakaraang Asiad, humakot ang Pilipinas ng na apat na gold, dalawang silver at 12 bronze medals para sa No. 17 spot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles