Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Petisyon ni Sarah Discaya, ibinasura ng SC

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng contractor na si Cezarah Rowena “Sarah” Discaya na kumukuwestiyon sa finding ng Office of the Ombudsman na may probable cause para kasuhan siya ng graft at malversation kaugnay ng isang flood control project sa Davao Occidental.

Sa desisyon ng Supreme Court En Banc noong April 8, sinabi ng hukuman na wala nang saysay ang petisyon matapos magsampa ang Ombudsman ng kaukulang kaso sa Regional Trial Court, na naglabas na rin ng warrant of arrest laban kay Discaya.

Ayon sa desisyon, hindi rin naipakita ni Discaya ang anumang exception na magbibigay-daan para makialam ang hukuman sa proseso ng preliminary investigation.

Giit ng Korte Suprema, ang pagtukoy ng probable cause ay eksklusibong tungkulin ng public prosecutor, at bilang patakaran, hindi ito pinakikialaman ng mga korte. Dagdag pa, nakita ng SC na suportado ng sapat na ebidensya ang findings ng Ombudsman.

Kinasuhan si Discaya ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, pati ng malversation through falsification of public documents.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Department of Public Works and Highways Secretary Vivencio Dizon laban kay Discaya at ilang opisyal ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa konstruksyon ng concrete revetment sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental, na iginawad sa St. Timothy Construction Corporation na pag-aari ni Discaya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles