Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBA gagamit ng FIBA rules bilang suporta sa Gilas

Nakatakdang lumipat ang Philippine Basketball Association (PBA) sa paggamit ng mga alituntunin ng FIBA (Fédération Internationale de Basketball o ang International Basketball Federation) para ipakita ang suporta sa national team.

Simula Hulyo 10 sa pagpalo ng Governors’ Cup, na siyang huling kumperensiya ng season, unti-unting isasama ng liga ang FIBA rules, ayon sa anunsyo ni PBA commissioner Willie Marcial sa pulong ng mga coach noong nitong Lunes.

Napagkasunduan ang bagong panuntunan matapos ang talakayan ng PBA Board, ayon kay Marcial.

Karamihan sa mga pagbabagong ipatutupad ay may kaugnayan sa officiating upang umayon ito sa paraan ng pagtawag ng laro sa mga tournament na pinangangasiwaan ng FIBA.

“Magbabago tayo next conference ng tawagan,” ani Marcial. “Much close (to FIBA officiating).”

Ang pagbabagong ito ay partikular na makikinabang sa mga manlalarong kabilang sa Gilas Pilipinas pool dahil masasanay sila sa paraan ng pagtawag ng mga foul at iba pang sitwasyon sa mga internasyonal na torneo.

Ayon kay Marcial, magkakaroon ng mga pagbabago sa paghawak ng iba’t ibang sitwasyon at foul, kabilang na ang pagtatakda ng screens at iba pa.

“’Yung adjustment kasi talagang malayo. Every time we play (internationally), iba ‘yung fouls dito (PBA) and iba ‘yung fouls doon (FIBA). We’re just adjusting middle of the game na,” dagdag ni Gilas Pilipinas program director at team manager Alfrancis Chua.

“Minsan sobrang physical sila, minsan naman mahipan mo lang, foul na,” ani Chua. “So we need to adapt. We’re just thinking to at least help the players who are playing for Gilas.”

Ipatutupad din ang possession arrow bilang kapalit ng regular na jumpball.

Gayunpaman, mananatili ang anim na personal fouls para sa bawat manlalaro, apat na yugto na tig-12 minuto, haba ng timeouts at ang four-point line.

“Like we said before, the PBA will and always supports the program of Gilas under the Samahang Basketbol ng Pilipinas,” ani Marcial.

Ang kauna-unahang professional basketball league sa Asya ay matagal nang sumusuporta sa programa ng pambansang koponan mula nang payagan ng FIBA ang open basketball sa buong mundo noong 1989.

Lumipad ang Gilas Pilipinas noong Martes patungong Brisbane, Australia para sa training camp bilang paghahanda sa ikatlong window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Maglalaro muna ang Gilas ng dalawang friendly games sa Hunyo 28 at 29, kabilang ang isa laban sa National Basketball League team na Brisbane Bullets.

Taglay ang 2-2 kartada sa Group A at nakasisiguro na ng pwesto sa ikalawang yugto ng qualifiers, haharapin ng Gilas ang New Zealand sa Hulyo 3, bago bumalik sa Australia para sa laro sa Hulyo 6.

Ang 12 miyembro sa ilalim ni coach Tim Cone ay sina naturalized player Justin Brownlee, RJ Abarrientos, Troy Rosario, June Mar Fajardo, Chris Newsome, Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Mike Philips, Justin Baltazar at Juan Gomez de Liaño.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles