Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

1 silver, 3 bronze sa Pinas sa umpisa ng 11th Asia-Oceania Sambo

Nagtala ang Pilipinas ng isang silver at tatlong bronze sa panimula ng 11th Asia-Oceania Sambo Championships sa sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila nitong Huwebes.

Kinapos si Sophia Novino sa youth women’s -47kg division matapos matalo kay Karakat Rakhybay ng Kazakhstan, 1-8.

Isang takedown ang nagbigay kay Novino ng nag-iisang puntos na tumabla sa laban, 1-1.

Iyon ang unang pagsabak sa malaking torneo ng 17-anyos na judo standout ng University of the East (UE) Senior High School.

Ipinakita ni Rakhybay kung bakit siya ang silver medalist sa 2025 World Youth and Junior Sambo Championships nang ipamalas ang kanyang lakas sa pamamagitan ng isang go-ahead takedown na nagbukas ng pagkakataon para sa kanyang unang armbar submission attempt.

Nakalusot pa si Novino sa unang armbar, ngunit nakapag-set up muli si Rakhybay ng panibagong armbar matapos ang isa pang takedown, dahilan upang mag-tap out ang Pinay, may 20 segundo pang natitira.

Ipinagmalaki pa rin ni Novino ang kanyang medalya at nangakong patuloy na pagbubutihin ang pag-eensayo.

“Alam ko naman na marami pa akong ma-i-improve (I know that I still have a lot to improve on),” Novino said. “Big learning din ito (This is also a big learning) for upcoming tournaments.”

Unang tinalo ni Novino ang mga katunggali na sina Erkeaiym Samatova ng Kyrgyzstan sa first round at Nguyen Thi Tien ng Vietnam sa semifinals.

Nakapag-ipon ang koponan ng Pilipinas ng kabuuang apat na medalya sa unang araw ng kompetisyon matapos ding magwagi ng tig-isang bronze medal sina Jennelyn Tuñacao (-72kg), Tess Polistico (-59kg) at Princess Boyore (-54kg).

Masaya rin si Tuñacao, na kakampi ni Novino sa UE, sa nakamit na bronze medal sa kanyang una ring malaking internasyonal na torneo.

Naniniwala syang mas marami pa syang ipapakita sa hinaharap.

“Feel ko po may ma-ibubuhos pa ako sa kalaban,” ani Tuñacao, na napilitang mag-tap out laban sa katunggali mula Kazakhstan.

Ang torneo ay handog ng National Sports Tourism Interagency Committee, na pinamumunuan ni Philippine Sports Commission Chairperson Patrick Gregorio.

“This is a good beginning for us in this tournament because the Asia-Oceania Sambo Championships is a tough competition and next only to the worlds,” ani national sambo team coach Ace Larida.

“We can only look forward to doing better once we start competing in the senior division.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles