Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pangarap ni Eala sa New York, tinapos ng kaibigan

Binigo ng Amerikanang si Iva Jovic ang kampanya ni Alexandra “Alex” Eala at libo libong taga-suporta ng Pilipina matapos niyang magwagi, 7-5, 3-6, 7-5, sa third round ng 2026 US Open nitong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa Arthur Ashe Stadium sa New York.

Masyadong malakas ang mga palo ng 18-anyos na si Jovic, ang No. 14 seed, para sa kanyang 21-anyos na kaibigan na si Eala, ang No. 17 seed.

Nagpakitang-gilas ang dalawang batang manlalaro sa isang kapana-panabik na laban. Isa itong namumuong tunggalian na maaaring maging tampok sa malalaking torneo sa mga darating na taon.

Bagama’t kapwa nahirapan sa kanilang mga serve at nagsama-sama para sa ilang service break, nanatiling pulido ang kanilang mga palo habang nagpapalitan sila ng malalakas na tira na para bang heavyweight boxing match.

Ito na ang ikatlong panalo ni Jovic laban kay Eala ngayong taon, matapos din niyang talunin ang Filipina sa first round ng French Open sa Paris at second-round meeting sa Queen’s Club sa England.

Makakaharap ni Jovic sa fourth round ang kapwa Amerikanang si Coco Gauff. 

Tinalo ni Gauff ang unseeded na Espanyol na si Cristina Bucsa, 6-3, 6-4.

Unang nagkita sina Jovic at Eala noong 2022. Nanalo si Eala sa US Open girls’ title noong taong iyon at nagharap din ang dalawa sa doubles. 

Makalipas ang apat na taon, muli silang nagkita bilang mga ganap nang miyembro ng top 20 at dalawa sa mga pinakakapana-panabik na batang talento.

“We didn’t really become close friends until late last year and throughout this year,” kwento ni Jovic. “Just from being on tour — she’s very friendly — so we started talking.”

“We played doubles together at the beginning of the year, so that also helped build the friendship. Now I think we’re very close friends. We’re both very open to the friendship, and we relate to each other a lot,” dagdag niya.

Tila kumplikado ngunit kaya nilang maging magkaibigan, hindi katulad ng kalakaran noon na tila bawal makipag-usap sa kapwa manlalaro pagkatapos ng laban.

“There are quite a few people, especially the younger players, who are very open to it. They want to have a good time and build friendships. Then, on the court, it’s fair game, winner takes all — we go for it,” ani Jovic. “Alex is definitely one of those people where we both put it aside, and we have a great connection.”

Pareho ang opinyon ni Eala.

“Sisterhood and just having friends on tour has helped me so much off the court, on the court,” ani Eala. “I think the friends that I have I really admire for what they’ve been through and what they go through.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles