♈ ARIES (March 21–April 19) – Maaaring uminit ang usapan sa magulang o nakatataas, kaya iwasang maging mapilit at lumayo rin sa taong mahilig mang-pressure. Ituon ang lakas sa trabaho at pag-aayos ng mga gawain dahil maayos naman ang samahan ninyo ng kapareha.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Madaling sumiklab ang pagtatalo dahil maaaring makaramdam ka ng pamumuna o ikaw mismo ang maging mapuna. Dahan-dahan sa pagpapahayag ng opinyon at ibaling ang oras sa sports, lakad at masasayang aktibidad kasama ang mga bata.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Posibleng magkaroon ng pagtatalo tungkol sa pera, ari-arian o kung sino ang tunay na may-ari ng isang bagay. Maaaring kumontra ang nakatatanda o kasamahan sa grupo, kaya mag-ingat sa salita at kausapin nang mahinahon ang pamilya.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Maaari kang maging agresibo at defensive sa pakikipag-usap, kaya huwag munang humingi ng permiso o pag-apruba. Manahimik muna at palipasin ang tensiyon bago gumawa ng susunod na hakbang.
♌ LEO (July 23–August 22) – May nangyayari sa likod ng eksenang maaaring ikainis mo, lalo na kung may kinalaman sa batas, patakaran o tradisyon. Bago ito balewalain o labanan, pag-isipang mabuti kung sulit ba ang gulong maaaring idulot.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Masusubok ang samahan sa mga kaibigan o grupo dahil sa hatian sa gastos, pera o ari-arian. Maaaring pakiramdam mo ay hindi patas ang lahat, kaya linawin muna kung sino ang nagbibigay at sino ang kulang sa ambag.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Gusto mong mapanatili ang kapayapaan, pero maaaring maging mainit ang pakikitungo ng mga nakatataas at ng iyong kapareha. Huwag dibdibin agad ang puna at iwasang patulan ang tensiyon.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Lumayo muna sa sensitibong usapin tulad ng pulitika, relihiyon at lahi dahil mabilis itong mauwi sa bangayan. Kung mabigat ang trabaho o pakiramdam, humanap ng tahimik at kaaya-ayang lugar para makahinga.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Maaaring hindi umayon sa plano ang lakad, bakasyon, romansa o usaping may kinalaman sa mga anak. Bawasan ang inaasahan at huwag patulan ang taong masyadong mapilit—pairalin ang pagiging makatuwiran at mapagpatawad.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Mainitin ang usapan sa kapareha, malapit na kaibigan o nakatatandang kamag-anak dahil lahat ay may gustong ipilit. Huwag makisabay sa init ng ulo—umatras muna at magpalamig bago magsalita.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Mapanghamon ang pakikitungo ng ibang tao, pero marami ka pa ring matatapos kung sa trabaho ibubuhos ang enerhiya. Iwasan ang negatibong pag-iisip at huwag hayaang kontrolin ka ng sama ng loob.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Posibleng pag-awayan ang gastos para sa bakasyon, lakad, sports o pangangailangan ng mga anak. Huwag nang dagdagan ang tensiyon—ipagpaliban muna ang usapan at bigyan ang sarili ng oras para magpahinga.


