Sa ika-100 araw mula nang nalunod sina Rene Baterbonia at Divine Adili, inalay ng Ateneo de Manila University ang unang panalo sa UAAP Season 89 men’s basketball sa dalawang manlalaro at sa kanilang pamilya.
Suot ang “DA | RB” na mga patch, pinabagsak ng Blue Eagles ang University of the East Warriors, 101-74, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Miyerkules.
Iyon ang 21 na sunod na pagkatalo ng UE mula pa noong Season 87.
Ateneo ang huling tinalo ng UE noong Nobyembre 9, 2024 sa first round, 69-62.
Nanguna sa opensiba ang rookie na si Kiefer Alas, na nagtala ng 24 puntos, apat na rebound at isang assist sa kanyang unang collegiate game.
Nag-ambag din si Jared Bahay ng 17 puntos, dalawang assist at dalawang rebound.
“After everything that happened, everything counted us out, so hopefully, slowly, we can go bring ourselves back to where we want to be,” ani Alas, na kinapos ng limang puntos na bumasag sana sa UAAP record para sa pinakamataas ng score ng isang rookie sa unang laro.
Hawak pa rin ng dating Adamson University guard na si Jerrick Ahanmisi ang record na 29 puntos noong 2016.
Si Ahanmisi ay propesyonal na at naglalaro para sa San Miguel Beer.
Habang hawak ng Ateneo ang 25-23 kalamangan sa unang bahagi ng second quarter, pinangunahan nina Alas at Travis Roberts ang 16-1 run na kalaunan ay nagbigay sa Blue Eagles ng lamang na 20 puntos bago ang halftime.
Lumapit ang Red Warriors sa 14 puntos, 64-50, ngunit iyon na ang huling hirit. Pinalawak muli ng Ateneo ang kalamangan nito hanggang 38 puntos, 93-55, bago ang final buzzer.
Sa second game, mabilis na nakabawi ang University of Santo Tomas mula sa pagkatalo noong Linggo nang gulantangin ang defending champion De La Salle University, 80-75.
Nakapuntos si Collins Akowe sa pamamagitan ng isang mahirap na layup upang itaas sa tatlong puntos ang kalamangan ng UST, 76-73, may 25 segundo na lamang sa orasan matapos makabawi ang La Salle mula sa 63-72, sa kalagitnaan ng final salvo.
Pagkatapos ay mahusay na dinepensahan ni Akowe si Jacob Cortez at napwersa ang Green Archers na bigyan ng foul si Amiel Acido na pumasok ang tira.
Pasok ang bonus free throw upang makumpleto ang panalo ng UST.
Natalo ang UST sa kanilang opening match kontra University of the Philippines, 85-92.
“We need to stay as a unit. Play as a team. It’s a collective effort, not an individual effort,” ani Akowe.
“We stay composed. We lost to UP. We have to bounce back and do what we gotta do. And practice. We practiced hard coming into the game. The result was not surprising.”
Nagtala si Akowe ng double-double na 18 puntos, 10 rebounds, at tatlong assists.
Nakapagtala naman si Acido ng 19 puntos, pitong rebound, pitong assist at dalawang steal.
Nag-ambag mula sa bench si Landyn Jumawan ng 10 puntos, apat na rebound, isang assist at dalawang steal.
The scores:
First Game
ATENEO 101 – Alas 24, Bahay 17, Rogers 12, Bongo 9, Leal 6, Tuano 6, Asoro 6, Baruwa 5, Roberts 5, Espinosa 4, Kapihe 4, Urbina 1, Cainglet 1, Reyes 1, De Luna 0.
UE 74 – Lagat 15, Edoukou 14, Cruz-Dumont 14, Carillo 9, Sabroso 7, Jimenez 6, Robles 4, Javier 3, Datumalim 2, Tañedo 0, Vazquez 0, Mascarinas 0, Perez 0, Santos 0.
Quarters: 25-16; 56-39; 85-55; 101-74
Second Game
UST 80 – Acido 19, Akowe 18, Junawan 10, Esteban 9, Llemit 6, Buenaflor 5, D. Sevilla 4, Cañete 4, Porter 3, Crisostomo 2, Alao 0, Manding 0, Danting 0.
DLSU 75 – Marasigan 16, Cortez 13, Abadam 13, Pablo 10, Macalalag 10, Dungo 5, Tovera 4, Amos 2, Kulang 2, Gagate 0, Sardon 0, Daep 0.
Quarters: 24-16; 45-40; 61-56; 80-75


