Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Palasyo umaasang mas maraming bangko mag-aalis ng online transfer fees

Umaasa ang Malacañang na mas maraming bangko ang mag-aalis o magbababa ng digital fund transfer fees para mabawasan ang gastos ng ordinaryong Pilipino at masuportahan ang mas inclusive na digital economy.

Sa Palace briefing nitong Lunes, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na suportado ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang para bawasan o alisin ang bayarin sa online banking transactions.

“Sinimulan ng LandBank, sumunod na rin po ang BPI at ang RCBC. So, ito po ay sang-ayon na rin po sa kagustuhan ng Pangulo,” sabi ni Castro.

Nauna nang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na mas maraming bangko ang inaasahang magwa-waive o magbababa ng digital transfer fees.

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang pagtanggal ng transfer fees para sa InstaPay at PESONet transactions sa mga digital platform nito.

Nagsimula na rin ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ng libreng InstaPay transfers para sa qualified transactions.

Nauna nang nag-waive ang government-owned Land Bank of the Philippines ng transfer fees sa online transactions para sa limited number of times kada araw.

Waived din ang convenience fees para sa government payments gamit ang QR Ph hanggang December 2026.

Nang tanungin kung hihikayatin ng Malacañang ang mas maraming bangko na magpatupad ng zero-fee transfers, sinabi ni Castro na umaasa ang administrasyon na gagayahin ng ibang financial institutions ang LandBank.

“Katulad ng sinabi natin, pinasimulan po ng LandBank, so mas nanaisin po natin na lahat po sana ng bangko ay gayahin na rin po ang pinasimulan ng LandBank, para po makatulong sa ating mga kababayan,” sabi niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles