Pwede nang isama ng passengers ang maliliit na pusa sa aircraft cabin sa lahat ng domestic flights ng Philippine Airlines (PAL) matapos palawakin ng flag carrier ang FurPAL program nito.
Sa updated policy, parehong small dogs at cats na ang maaaring bumiyahe sa cabin kasama ang kanilang owners, basta masunod ang requirements at safety standards ng airline.
Isang maliit na aso o pusa lamang ang maaaring dalhin ng bawat passenger sa cabin. Nagsisimula sa P2,500 ang one-way FurPAL fee.
Sa pagpapalawak ng programa, hindi na kailangang mahiwalay sa kanilang owners habang nasa biyahe ang qualified small cats, gaya ng mga asong sakop na ng FurPAL.
Kailangan namang tiyakin ng pet owners bago bumiyahe na nasunod ang lahat ng requirements at guidelines ng PAL para sa kanilang alagang hayop.
Available ang expanded FurPAL service sa lahat ng domestic flights ng PAL.
Sa pagdagdag ng small cats sa FurPAL, mas maraming pet owners ang magkakaroon ng opsyon na makasama sa cabin ang kanilang alagang aso o pusa sa domestic trips. /Bistado


