Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PAGASA: Super Typhoon Sinlaku, malabong pumasok sa PAR; Japan ang direksyon

Malabo nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Sinlaku at tinatahak na nito ang direksyon pa-Japan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA alas-4:00 ng umaga ngayong Lunes, namataan ang bagyo sa layong 2,580 kilometro silangan ng Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 205 kilometro kada oras at bugso na hanggang 250 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, mababa ang posibilidad na pumasok ang bagyo sa PAR, at lilihis tungong Japan.

Sa kabila ng lakas ng bagyo, sinabi rin ng PAGASA na wala itong direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa.

Para sa Lunes, inaasahan ang pangkalahatang maaliwalas na panahon sa buong Pilipinas.

Patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang galaw ng bagyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles