Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P6.3-B pondo, inilaan ng Pag-IBIG para sa dorm at paupahan ng mga SUC

Aabot sa P6.3 bilyon ang inilaan ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa pagtatayo ng dormitoryo at paupahang tirahan para sa mga estudyante at guro sa state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng Pag-IBIG na ang inisyatiba ay bahagi ng “strategic” na pakikipagtulungan sa Commission on Higher Education (CHED) para palawakin ang abot-kayang housing options para sa akademikong komunidad.

Ipinresenta ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Marilene Acosta ang programa noong Miyerkules sa consultative meeting para sa “Project BALAY: Bridging Access to Learning” na ginanap sa CHED auditorium sa Quezon City.

Ayon kay Reynmil Delgado ng Pag-IBIG Public and Media Affairs Department, layon ng Rental Housing Construction Loan program na tulungan ang mga SUC na makakuha ng pondo para sa pagtatayo ng mga dorm at paupahang unit.

Sa ilalim ng programa, maaaring umutang ang mga SUC sa subsidized interest rate na 3 porsiyento kada taon para sa unang 10 taon. Ang loan ay maaari ring bayaran sa loob ng hanggang 30 taon.

Idinagdag ni Delgado na ang pondo ay gagamitin para sa pagtatayo ng mga rental housing facility na matatagpuan sa loob o malapit sa mga campus para sa mga estudyante, faculty, at non-teaching staff.

Ayon sa Pag-IBIG, layon ng programa na suportahan ang pangangailangan sa tirahan ng mga nasa akademya sa pamamagitan ng mas abot-kayang opsyon malapit sa kanilang pinapasukang paaralan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles