Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Panukalang batas kontra biglaang taas-presyo ng langis, inihain

Panukalang batas kontra biglaang pagtaas ng presyo ng langis ang inihain ni Manila Rep. Joel Chua para ibalik ang kapangyarihan ng gobyerno na makialam sa fuel prices kapag sumirit ang presyo sa world market.

Sa ilalim ng House Bill No. 8839 o “Fuel Price Stabilization and Energy Security Act,” layon ng panukala na maglatag ng malinaw na mekanismo para protektahan ang mga konsumer laban sa pabagu-bagong presyo ng gasolina at diesel.

“House Bill 8839…returns to the government the power to intervene when fuel prices and supplies are abnormal,” paliwanag ni Chua.

Aniya, sa kasalukuyang sistema, agad nararamdaman ng publiko ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

“Sa kasalukuyang kalakaran kasi, kapag sumirit ang presyo ng langis sa world market, diretso agad ang hagupit nito sa bulsa nating mga Pilipino. Halos walang magawa ang gobyerno.”

Isa sa pangunahing probisyon ng panukala ang pagbuo ng Fuel Regulatory Board na bubuuin ng limang miyembro, kabilang ang mga eksperto sa energy sector, kinatawan ng consumers, at transport sector. Bibigyan ang board ng kapangyarihang mag-regulate ng presyo, magtakda ng temporary price ceilings, at mag-imbestiga ng anti-competitive practices.

Kasama rin sa panukala ang paglikha ng bagong Oil Price Stabilization Fund na gagamitin para bawasan ang epekto ng biglaang pagtaas ng presyo ng langis.

“The new Oil Price Stabilization Fund…is for fuel price stabilization,” ani Chua, sabay diin na hindi na nito uulitin ang dating sistema ng reimbursement na naging problema sa lumang pondo.

Ipinaliwanag niya ang mekanismo: “If world oil prices suddenly surge… the government can use the Oil Price Stabilization Fund to soften the blow,” kung saan bababa ang aktwal na dagdag-presyo na mararamdaman ng mga motorista.

Dagdag pa niya, ang kontrol sa presyo ng fuel ay may direktang epekto sa pamasahe at presyo ng bilihin.

“Kapag kontrolado ang biglaang taas ng gasolina at diesel, mas magiging stable ang pamasahe at presyo ng mga bilihin,” ani Chua.

Isa pang bahagi ng panukala ang pagbuo ng Strategic Fuel Reserve, kung saan bibili ang gobyerno ng langis kapag mababa ang presyo at gagamitin ito sa panahon ng krisis o kakulangan sa supply.

Sa ilalim ng panukala, ang Pangulo ang may kapangyarihang maglabas ng reserbang langis base sa rekomendasyon ng Fuel Regulatory Board, habang ang Commission on Audit ang magbabantay sa paggamit ng pondo.

Para kay Chua, mahalagang magkaroon ng ganitong mekanismo upang hindi agad maipasa sa publiko ang epekto ng global price shocks.

“Hindi tayo dapat laging nakadepende sa galaw ng pandaigdigang merkado,” paliwanag niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles