Nanatiling walang talo sa anim na laro ang National University Nazareth School (NUNS) sa 16U boys’ basketball matapos tambakan ang Adamson, 107-73, sa UAAP Season 89 sa Gamesville Ball Park Mandaluyong nitong Martes.
Nagpasiklab si Andrei Lopez na gumawa ng 30 points at kumuha ang anim na rebound para sa Bullpups.
Nalaglag sa 1-5 ang Baby Falcons, angat ng isang pwesto sa wala pang panalo na Ateneo Eagles (0-6)
Nalusutan naman ng Far Eastern University-Diliman ang University of Santo Tomas, 77-69, sa isa pang laro upang gumawa ng three-way tie (4-2) para sa ikalawa hanggang ikaapat na pwesto kasama ang University of the East at De La Salle Zobel.
Nasa No. 5 ang UST (3-3).
Nagtala si Nicus Calma ng 17 puntos, siyam na rebounds at isang block; nag-ambag si Griffin Barlan ng 16 puntos, 11 rebound, tatlong assist at dalawang block; gumawa si Bernard Alsola ng 14 puntos, limang rebound at limang steal; at si Hisham Mampao ay may 12 puntos, walong rebound at dalawang steals para sa FEU-D, na nanguna sa halftime, 39-34.
“It’s not how you start, it’s how you finish the season. It’s a long season so we have to be consistent. And we need less turnovers, less mistakes,” ani FEU-D coach Muriel Garcia. “I told them to keep their composure and focus on the game plan. ‘Don’t lose your focus; I’ll handle the rotations. We can do this, just be patient.’”
Nagtala si Wayne Anggot ng 23 puntos at anim na rebound, habang nag-ambag si Miguel Austria ng 17 puntos, 14 rebounds, dalawang steal at dalawang block para sa Tiger Cubs.
Tinalo rin ng University of the Philippines Integrated School ang Ateneo de Manila University, 64-61.
Si Kean Poquiz, na tumira ng game-winning triple, ay nagtapos na may 14 puntos, anim na rebounds at dalawang steals para makuha ng Junior Fighting Maroons ang kanilang ikalawang panalo sa anim na laro.
Nanguna sa scoring si Zandro Lugatiman na may 23 puntos, 12 rebounds, apat na steal, dalawang assist at isang block.
“Ateneo did a really good job in executing the last two minutes, but then again, Kean just saved us in the end,” ani UPIS coach na si King Vergeire.
“I’m positive, even though it showed that we have a lot to work on. But then again, I won’t discredit our victory today. But we have a lot to work on coming into our next game against FEU.”
Nagtala si Karl Gandionco ng 17 puntos at limang rebound, habang nagdagdag si Greg Llavore ng 16 puntos at 10 rebounds para sa Blue Eagles.


