Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

No. 1 drug personality sa Eastern Visayas timbog, P795K shabu nasabat

Tiklo ang itinuturing ng pulisya na No. 1 high-value individual sa Regional Priority Target List ng Eastern Visayas matapos masakote sa buy-bust operation sa Barangay San Roque, Tolosa, Leyte noong September 21.

Ayon sa Philippine National Police, naaresto ang 32-anyos na suspek na itinago sa alyas na “Ton-ton,” kasama ang kanyang umano’y cohort na si alyas “Beng,” 31. Parehong residente ng Tolosa ang dalawa.

Isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 8 at Tolosa Municipal Police Station ang operasyon.

Narekober umano sa operasyon ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 117 gramo ng hinihinalang shabu.

Tinatayang P795,600 ang halaga ng nakumpiskang droga batay sa valuation ng Dangerous Drugs Board.

Bukod sa hinihinalang shabu, nasamsam din umano ng mga operatiba ang isang revolver, limang bala, buy-bust money at iba pang non-drug evidence.

Ayon sa PNP, minarkahan at inimbentaryo sa lugar ng operasyon ang mga nakumpiskang ebidensiya sa presensya ng mga kinakailangang saksi.

Itinuturing ng pulisya si “Ton-ton” bilang No. 1 HVI sa Regional Priority Target List sa Eastern Visayas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles