Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ADB: Ekonomiya ng Pinas makakabawi sa 5.1% sa 2027, pero may mga sabit pa

Babawi sa 2027 ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 5.1 porsiyento matapos bumagal sa 3.3 porsiyento ngayong taon, ayon sa bagong forecast ng Asian Development Bank (ADB).

Pero mas mababa ang bagong projections kumpara sa July forecast ng ADB na 3.8 porsiyento para sa 2026 at 5.3 porsiyento sa 2027.

Itinuro sa Asian Development Outlook September 2026 ang matagal na Middle East conflict na nagpahina sa investments at nagpataas sa presyo ng imported fuel at iba pang pangunahing commodities gaya ng fertilizer.

“The economy continues to feel the impact of the Middle East conflict, but business indicators point to expected improvements in economic activity, with the industry sector still looking to expand next year,” sabi ni ADB Philippines Country Director Andrew Jeffries.

Inaasahang tutulong sa pagbangon sa susunod na taon ang services at industry sectors, manufacturing, public construction at maagap na government spending sa infrastructure.

Malaking bahagi ng ekonomiya at employment ng bansa ang services sector, kabilang ang trade, tourism at finance.

Kasabay ng inaasahang pagbilis ng ekonomiya, nakikitang bababa sa 4.4 porsiyento ang inflation sa 2027 mula 5.9 porsiyento ngayong 2026. Mas mataas pa rin ang 2027 projection kaysa dating 3.9 porsiyentong forecast noong July.

Nananatili namang banta ang presyo ng pagkain, lalo na sa posibilidad ng matinding El Niño dry spell simula sa huling bahagi ng 2026 na posibleng tumama sa agricultural production.

Kabilang sa mga hakbang ng gobyerno ang rehabilitation ng irrigation facilities, water-resource management projects, pamamahagi ng drought-resistant seeds at iba pang farm inputs, at pagpapahusay ng drought monitoring.

Nakatakda ring ilaan ang humigit-kumulang isang-katlo ng proposed 2027 national budget sa social services gaya ng health care, educational assistance, early childhood development, skills training, conditional cash transfers at food vouchers para sa vulnerable families.

Patuloy din ang targeted cash assistance, emergency livelihood support, fuel subsidies, public transport fare discounts at suporta sa small businesses at mga sektor na matinding tinamaan ng Middle East conflict.

Naghahanda rin ang ADB ng Countercyclical Support Facility bilang suporta sa tugon ng gobyerno sa epekto ng krisis.

Sa kabila ng inaasahang 5.1 porsiyentong growth sa 2027, nananatiling pangunahing panganib ang matagal na Middle East conflict at climate-related disruptions na posibleng muling tumama sa presyo, investments, agrikultura at kabuhayan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles