Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

NLEX aaksyunan ang pagbaha

PAMPANGA – Aaksyunan ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), may-ari at operator ng North Luzon Expressway (NLEX), ang paulit-ulit na pagbaha sa San Simon, Pampanga matapos muling maapektuhan ang biyahe ng mga motorista dahil sa matinding pag-ulan.

Bilang permanenteng solusyon, sinabi ng MPTC na itataas nito ang northbound at southbound pavements sa Tulaoc, San Simon matapos makumpleto ang pagtataas sa Tulaoc Bridge.

Kinilala ng kumpanya ang hirap na dinanas ng motorists dahil sa matinding pagbaha at tiniyak ang patuloy na pakikipagtulungan sa national at local government agencies para mapabilis ang mga hakbang laban sa baha at maibalik sa normal ang biyahe sa apektadong bahagi ng NLEX.

Nakikipag-ugnayan din ang MPTC sa Department of Transportation, Toll Regulatory Board, at iba pang government agencies para pag-aralan ang agarang tulong sa motorists na naapektuhan ng ilang araw na pag-ulan dulot ng Habagat at pagtaas ng tubig sa Pampanga River.

Ayon naman kay Pampanga Gov. Lilia Pineda, bahagi ng mas malawak na problema sa daluyan ng tubig sa probinsya ang pagbaha.

Puno na umano ng tubig ang downstream areas gaya ng Macabebe at Masantol kaya hindi agad makadaloy ang baha patungong Manila Bay.

Sinabi rin ni Public Works Secretary Vince Dizon na hindi kinaya ng sistema ang napakalaking volume ng tubig na dala ng Habagat.

Ayon kay Dizon, hindi sapat ang pumping lamang dahil babalik din ang tubig sa mga binahang lugar. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles