Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Budget ng DA sa 2027 liliit ng P17.25-B; food security programs haharap sa mas manipis na pondo

Mas maliit na budget ang hahawakan ng Department of Agriculture (DA) sa 2027 habang patuloy nitong hinaharap ang mataas na production costs, climate risks, market uncertainty, at hamon sa food security.

Nasa P198.45 billion ang proposed allocation ng DA, mas mababa ng P17.25 billion o 8 percent sa P215.69-billion approved budget nito ngayong 2026.

Malaking dahilan ng pagbaba ang farm-to-market roads, na ibinalik sa P16 billion matapos umabot sa P33 billion ang allocation noong nakaraang taon.

Malayo rin ang proposed budget sa P260 billion na unang isinumite ng DA sa Department of Budget and Management (DBM).

Kapag isinama ang National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agrarian Reform (DAR), bababa sa P261.74 billion ang kabuuang agriculture at agrarian reform budget mula P297.10 billion.

Nasa P46.36 billion ang proposed allocation ng NIA mula P63.25 billion, habang bababa sa P16.94 billion mula P18.16 billion ang DAR.

May mga programang makakakuha naman ng mas malaking pondo, kabilang ang coffee development, mga proyekto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at P20 billion para sa development at pagpapalakas ng animal industry.

Mananatili sa P10 billion ang Rice-for-All Program, na pangunahing sumusuporta sa P20-per-kilogram rice program.

“Hindi lamang ito pamumuhunan sa agrikultura. Pamumuhunan ito sa seguridad sa pagkain,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa budget presentation sa House of Representatives.

Kabilang sa priorities ng DA ang pagpapataas ng agricultural at fisheries productivity, infrastructure development, pagbabawas ng post-harvest losses, pagpapahusay ng logistics at market access, at pagpapalawak ng paggamit ng technology.

Target din nitong palakasin ang agriculture at fisheries value chains para mas malaking bahagi ng nalilikhang halaga ang mapunta sa farmers at fisherfolk at maging mas resilient ang sektor sa climate at market disruptions.

Para kay Tiu Laurel, hindi lamang laki ng budget ang sukatan kundi ang resulta nito: mas mataas na production at incomes, mas kaunting losses, mas mabilis na pagdadala ng pagkain sa markets, at mas matatag na supply.

Binigyang-diin din niya na bawat pisong ipinagkakatiwala sa DA ay pera ng taumbayan na kailangang gamitin nang “wasto, maingat, mahusay, at may buong pananagutan.”

Sa mas maliit na 2027 allocation, mas magiging kritikal ang mahusay na paggamit ng pondo habang binabalanse ng DA ang abot-kayang pagkain para sa consumers at sapat na kita para sa farmers at fisherfolk. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles