
Mas malaking papremyo ang naghihintay sa Kapuso Bigtime Panalo Season 5! Sa pagkakataong ito, ang nationwide promo ng GMA Network ay mamimigay ng higit sa Php 6 milyong papremyo.
At sa unang pagkakataon, may dalawang masuwerteng mag-uuwi ng grand prize na Php 2,000,000!
Mamimigay rin ng iba pang cash prizes ang Kapuso Bigtime Panalo: 10 winners ng Php 50,000; 100 winners ng Php 5,000; at 280 winners ng Php 1,000. Kaya, mga Kapuso, sali na hanggang August 7 para may chance manalo sa Kapuso Bigtime Panalo Season 5!
Para sa kumpletong mechanics at iba pang detalye, bisitahin lamang ang www.gmanetwork.com/GMAPromos.
Samantala, muling mapapanood sa mga piling SM Cinemas simula bukas, June 3 ang award-winning movie na ‘Muro-Ami.’
Paniguradong marami ang mase-senti sa muling pagbabalik-sinehan ng 1999 MMFF Best Picture film na ‘Muro-Ami’ na pinagbibidahan ni Cesar Montano. Simula bukas, June 3, ay mapapanood na sa select SM Cinemas ang digitally restored at remastered version ng pelikula na proyekto ng GMA Pictures.
Kasama ni Montano sa pelikula sina Pen Media, Jhong Hilario, at Amy Austria, at tampok si Rebecca Lusterio. Ito ay sa direksyon ng visionary filmmaker na si Marilou Diaz-Abaya at isinulat ng acclaimed screenwriters na sina Ricky Lee at Jun Robles Lana.
Nakakatuwa nga na sa pamamagitan ng pagpapalabas ng digitally restored at remastered version ng pelikula, mapapanood ito ng mga bagong henerasyon ng moviegoers.
Sabay-sabay makisigaw ng “Arya!”, mga Kapuso! Bisitahin ang social media pages ng GMA Pictures para sa kumpletong listahan ng mga sinehan. Maaari ring direktang bumili ng tickets via SM Cinema App at Website.


