Simula nang mag-viral ang na-i-post na photos ni Paolo Contis kasama sina Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz, marami na ang naintriga sa kung ano ang ibig sabihin ng caption nitong, “an hour and a half later.”
Hanggang sa matisod ng BISTADO ang tsismis na diumano’y may pag-uusap palang nagaganap sa tsikang magbabalik showbiz si Lloydie via sitcom.
At ang Dingdong’s Doorbell Production umano ang mag-produce nito at ipapalabas sa GMA 7, kung saan din napanood ang huling sitcom at showbiz project ni Lloydie.
Although hindi pa ito kinukumpirma ng kahit sino kina Dingdong o Lloydie o maging si Paolo na magiging part din ng sitcom, may mga umuugong ngang tsika na may malaki itong posibilidad na matuloy dahil nakikita din daw sa vicinity ng GMA 7 si Lloydie.
Mayroon ding lumabas na balita na kahit si Ellen Adarna ay may mga kinakausap na executives hinggil sa tsikang ito pero hindi rin malinaw kung may kaugnayan ito sa TV o film project na inialok umano sa aktres.
Basta as we write this, balitang magiging mas busy si Dingdong at ang kanyang mga produksyon dahil bukod sa project nila ng asawang si Marian Rivera, may TV shows din itong pinagkaka-abalahan.
In fact, sa 2027 nga din mukhang gagawin naman ang isa pang project na si Piolo Pascual naman ang ka-collab o kapartner nito.


