Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

MMDA: Mag-ingat sa pekeng NCAP text

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista at publiko laban sa kumakalat na scam text messages kaugnay ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon sa ahensiya, karaniwang may kahina-hinalang link o ilegal na website ang pekeng mensahe at gumagamit ng pananalitang maaaring manakot o magdulot ng alarma sa recipient.

Pinayuhan ang mga motorista na suriin ang spelling, grammar at katumpakan ng impormasyong nakalagay sa natanggap na email o text.

Nilinaw ng MMDA na “no-reply@mmda.gov.ph” lamang ang official sender nito para sa email notifications, habang “MMDA_NCAP” naman ang ginagamit sa text messages.

Walang payment link ang lehitimong real-time NCAP notification. Hindi rin ito humihingi ng reply at hindi nakalagay ang pangalan ng registered vehicle owner.

Upang beripikahin kung may NCAP violation ang isang sasakyan, maaaring bisitahin ang mayhulika.mmda.gov.ph.

Maaari ring gamitin ang eGovPH application at hanapin ang MMDA service.

Hinikayat ang publiko na huwag pindutin ang mga kahina-hinalang link at huwag agad magbigay ng personal o payment information.

Maaaring ireport ang kahina-hinalang email o text sa MMDA Hotline 136 o sa official social media accounts ng ahensiya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles