Naging usap-usapan ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang personal itong magtungo sa Senado para na ibigay ang imbitasyon para sa nalalapit na kasal ng anak this June.
Nauna na rito ang viral photos nila ni Senate President Tito Sotto na magsisilbi bilang isa sa mga kinuhang ninong nina Manny at Jinkee para sa anak nilang si Emmanuel Jr. o Jimuel na ikakasal na this June.
Early this year ay super naging masaya ang tahanan ng mga Pacquiao dahil sa pag-welcome nila ng kanilang kauna-unahang apo na ipinanganak sa USA noong Nov. 2025 at nagsilbing “christmas present” ng anak nilang si “Jimuel” Jr. at partner nitong si Carolina Pimentel sa pamilya Pacquiao.
At bilang mga Kristiyano ay hindi umano pumapayag ang mag-asawang Manny at Jinkee na hindi maikasal ang anak sa babaeng makakasama nito habambuhay at may balita pa ngang nag-wish ang mga ito na agad masundan ng ikalawang baby.
At dahil sa personal ngang dini-deliver ng mag-asawa ang mga imbiatsyon na bubuo sa entourage ng mga ninong at ninang, marami ang nagsasabi na talaga lang daw “spoilers” ang mag-asawa pagdating sa kanilang mga anak, at ngayo’y manugang at apo.


