Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kathryn Bernardo-Mark Alcala, engaged na din?

Masayang-masaya ang solid fans ni Kathryn Bernardo dahil sa ayudang bagong photo at video ng aktres sa socmed.

Trending nga ang mga bagong photo ni Kathryn  sa online world matapos itong dumalaw sa paborito niyang Korean hair salon sa Uptown Parade, BGC para magpa-trim ng buhok. 

Pero mukhang natalbugan ng suot na singsing ng Asia’s Superstar ang bagong hairstyle na pini-flex niya sa Instagram post. 

Iniintriga ng mga memang cyber citizens na mukhang engagement ring na raw ang suot na diamond ring ng aktres. 

Suot din nito ang isang Gucci Mother of Pearl ring at Cartier Diamond ring. 

Maraming mga fans at mga Marites na netizen ang nagkokomento na baka birthday gift daw ni Lucena City Mayor Mark Alcala ang mga suot nitong singsing.

May ilan namang nagsabing “nauuta” na sila sa sobrang pa-suspense ng mga ito sa socmed gayung hindi na naman daw ito mga bata o teenagers para magtago pa ng kanilang totoong relasyon.

Meron ding bashers na halos sumumpang hindi umano sila magugulat kung magkabuntisan man ito sa mga susunod na panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles