Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Enrique Gil, sineryoso ang pag-action

Masusubukan kung papasa bilang action hero ang matinee idol na si Enrique Gil sa nalalapit na airing ng A Secret in Prague sa TV5.

“Serious, I really need to study, learn and do it seriously. Hindi pwedeng bara-bara lang. That’s I am so proud of the team that helped me made it comfortable for me,” bahagi ng panayam ng BISTADO sa gwapong aktor.

Sa ginanap na malaking mediacon kamakailan ay game na game si Quen (palayaw ng aktor) sa pagmamalaki na ibinagay ang timpla ng series sa kanyang kakayahan sa drama, comedy, action and romance.

Ayon nga sa leading lady niyang si Andrea Brillantes na first time niyang makakatrabaho kahit pa dati silang sumikat bilang mga Kapamilya stars, “yun nga ang maganda. Who would have thought na posible kaming maging magka-tandem? I have no regrets at all dahil napaka-gentleman, professional at magaling na aktor si Quen.”

Although mas lamang daw ang mga drama, comedy at romance-thriller sa naturang series, kaabang-abang daw ayon sa dalawa ang mga actions stunts na kanilang ginawa kagaya ng mga habulan scenes, suntukan, pakikipag-barilan, car chasing, at ibang nirerequire silang mag-flex at stretch ng mga katawan nila.

“It’s a feel good series na may family values at mga issues on being a secret agent, mga sindikato, usapin sa OFW, love interest, basta nakaka-excite na abangan,” dueto ng dalawa na tinatawag ng mga fans na QuenDrea.

Makakasama nila sa A Secret in Prague ang mahuhusay at award-winning performers na sina Joel Torre, Cedrick Juan, Edu Manzano, Benjie Paras, Kim Domingo as Alex, K Brosas Ruben Maria Soriquez, Arlene Muhlach, Carlos Agassi, Queenay Mercado at marami pang iba sa direksyon nina Paco Sta. Maria at Barry Gonzales.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles