Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Malacañang: Former Rep. Zaldy Co, nasa France na at humihingi ng asylum

Kasunod ng pag-amin ng mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) na hindi talaga nila matukoy ang kinaroroonan ni dating kongresista na si Zaldy Co, kinumpirma ng Malacañang na wala na siya sa kustodiya ng Czech Republic at kasalukuyan nang nasa France kung saan naghain siya ng petisyon para sa political asylum.

Ang update na ito ay lumabas matapos unang ianunsyo ng Palasyo na tiyak itong maiuuwi ng bansa ang dating konggresista, at magpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa Czech Republic para sunduin umano si Co. Kalaunan, nilinaw ng DOJ na hindi talaga “naaresto” ang dating mambabatas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagpahayag ng “disappointment” si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabiguang maibalik sa Pilipinas si Co.

Batay sa pinakabagong impormasyon mula kina Justice Secretary Fredderick Vida at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, umalis si Co sa Czech Republic matapos ang naunang intervention sa immigration.

“Sa kasalukuyan, kumpirmadong wala na sa kustodiya ng authorities si Zaldy Co,” ani Castro.

Dagdag pa ni Castro, nakatanggap ang DFA ng “highly reliable information” na naghain si Co ng petisyon para sa political asylum sa France.

“He has been requested to be transferred to and is now under the jurisdiction of French authorities,” pahayag ni Castro, sabay sabing inatasan na rin ang lahat ng Philippine missions sa Europe na kumuha ng opisyal na kumpirmasyon hinggil sa sitwasyon.

Samantala, plano ng Pangulo na makipagpulong sa mga envoy ng Czech Republic at France para talakayin ang mga susunod na hakbang kaugnay ng estado ni Co.

Nauna nang naharang si Co sa border ng Czech Republic at Germany dahil sa kakulangan umano ng tamang travel documents, dahilan para ilagay siya sa kustodiya ng Czech authorities.

Sa kabila nito, iginiit ng Malacañang na hindi makikialam ang Pangulo sa ligal na proseso ng ibang bansa.

Sa ngayon, nakatuon ang gobyerno sa pakikipag-ugnayan sa mga foreign authorities upang makuha ang opisyal na detalye at matukoy ang mga posibleng susunod na hakbang sa kaso ng dating mambabatas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles