Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Johnny Manahan “Mr. M”, may pasabog sa STAR WORX

Marami ang naiintriga sa socmed community dahil sa mga naglalabasang teasers ng STAR WORX lalo’t may mga pasilip sila ng mga mata, ilong, kalahating mukha, bibig at iba pang bahagi ng katawan ng mga kabataang babae at lalaki.

Very intriguing din ang caption nitong, ““Stars don’t just appear, they are built. You WORK, you become a STAR.”

Simula ng pumasok si Johnny Manahan o mas kilala sa tawag na “MR. M” sa tahanan ng TV5 nitong 2025, ay napabalitang gagawin din niya sa naturang network ang mga dati niyang ginagawa sa ABS-CBN at GMA 7, ang tumuklas at humubog ng mga bagong artista.

Halos lahat ng mga sikat na artista noong 90’s-2000’s- at hanggang sa ngayon ay may tatak-Mr.M, kaya’t malaki ang kumpyansa ng Manny V. Pangilinan (MVP) owned network na kayang-kaya pa ring maka-discover ng mga homegrown talents ang Kapatid network.

MQAA Artists Agency ng kumpanyang MediaQuest ni sir MVP ang dating pangalan ng talent arm na ngayo’y tatawaging STAR WORX, with seasoned Star Maker Johnny Manahan at the helm.

“What makes a star? We think it’s hard work, dedication, and love for the craft. Work makes stars. Do you agree?” ang bahagi pa ng mga socmed posts na nakakatawag pansin at pinag-uusapan ng mga netizen.

“We will work together to bring world class, in your face stars… I don’t know what tomorrow brings but I’ll do my best to give you the best because you deserve the best,” pagpapatuloy pang laman ng mga reels sa socmed.

At dahil dito, pina-aabangan sa lahat ang petsang “5-5-2026” kung saan finally ay ilalabas sa publiko in a grand media conference ang mga sinasabing mga bagong wards o artists na tatawaging STAR WORX talents.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles