Aarangkada na sa Mindanao ang Lalamove habang palalawakin din nito ang delivery at ride-hailing services sa mas maraming bahagi ng Visayas.
Kabilang sa mga bagong lugar na target nitong pagsilbihan ang Davao, Cagayan de Oro, General Santos, Bukidnon, Butuan, Iligan, Pagadian at Dipolog sa Mindanao, gayundin ang Iloilo, Roxas, Bacolod, Dumaguete at Kabankalan sa Visayas.
Marka ito ng opisyal na pagpasok ng on-demand delivery at ride-hailing platform sa Mindanao. Unang naglunsad ang Lalamove sa Manila noong 2016 at mayroon na ring operasyon sa Cebu.
“We’re excited about the rapid growth of Visayas and Mindanao and are committed to supporting this progress with fast, affordable, and reliable delivery and ride services. Through technology and digitalization, we aim to empower more Filipinos, MSMEs, and partner drivers with reliable transport and logistics solutions,” sabi ni Lalamove Philippines Managing Director Djon Nacario.
Kasabay nito, binuksan ng kumpanya ang pagkakataon para sa mga gustong maging partner drivers.
Simula September 1, 2026, maaaring mag-sign up ang interested drivers at makakuha ng free registration na walang kinakailangang top-up, discounted LalaBags at access sa Panalomove Driver Benefits.
Patuloy din ang zero-commission setup sa ride-hailing service ng Lalamove na ipinatutupad mula December 2025. Dahil dito, 100 porsiyento ng fare ang napupunta sa partner drivers.
Sa iisang platform, maaari ring lumipat ang drivers mula parcel delivery patungo sa passenger transport depende sa trabahong nais nilang kunin.
May hanggang P75,000 insurance coverage na awtomatikong kasama sa lahat ng parcel deliveries anuman ang napiling sasakyan.
Para naman sa Lalamove Ride, kabilang sa safety features ang real-time GPS tracking, 24/7 in-app chat, SOS emergency button at accident insurance mula sa Chubb.
Target ng hakbang na magbigay ng mas maraming delivery at transport options para sa mga indibidwal at micro, small, and medium enterprises, habang nagbubukas ng dagdag na earning opportunities para sa partner drivers. /Bistado


