Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Lakam Chiu, naglabas ng kanyang pahayag

Sa tila tumitinding sigalot sa magkapatid na Kim at Lakam Chiu matapos na sampahan ng 24 counts of qualified theft ng aktres ang kanyang ate, naglabas ng pahayag si Lakam.

Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Dominic Solis na inilabas sa medi last Thursday, Sept. 10, : “Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family. She will address the charges through the proper legal process.”

Bunsod ng mga naglabasan sa socmed na ibang mga tao na patuloy na sinisingil ang kapatid ng aktres-host sa diumano’y pagkakautang din nito sa kanila, kaya’t may ginawang hakbang ang abogado ni Lakam.

Patuloy pa rin daw ang ilang mga common friends at malalapit nilang kaanak na sumsubok mamagitan sa dalawa at kausapin si Kim, pero ayon sa ilang mga tao ay hindi ito nagtatagumpay.

May balita ding kahit diumano ang tatay ni Kim ay namagitan na din at kinumbinse si Kim na iurong na ang demanda at pag-ayusin na lang sila subalit hindi raw ito pinakinggan ni Kim.

Sa socmed naman ay patuloy na bina-bash ang ate ni Kim at dahil marami ang followers ng aktres-host, nagmumukhang kawawa sa batikos ang ate ni Kim.

Sa ibang bahay pa rin umano ngayon nakatira si Lakam dahil tuluyan na itong na-ban o ipina-ban ni Kim sa kanilang tahanan.

Ayaw na din daw magsalita pa ng iba nilang kapatid sa isyu dahil umano sa takot nila na baka sila naman ang resbakan ng aktres-host na umiiyak daw sa galit kapag pinag-uusapan ang isyu.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles