Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jericho Rosales, ‘elated’ sa naging papuri ni Christopher de Leon

Halos wala daw pagsidlan ng tuwa na may halong pressure at excitement ang award-winning actor na si Jericho Rosales, nang makarating dito ang balitang puring-puri siya ni veteran actor and drama king Christopher de leon.

Kamakailan nga sa podcast ni Ogie Diaz ay na-reveal na tila botong-boto din kay Jericho si Christopher de leon na lolo nga ng kanyang current gf na si Janine Gutierrez.

Ayon sa mga nakasaksi sa naging reaksyon ni Echo during the mediacon ng upcoming series nila na “Loyalty Game,” halos namula daw ito sa narinig na mga papuri sa kanya ni Christopher.

Jericho-Janine, etal sa Loyalty Game… kuha sa FB

Na sinabi nga ng batikang aktor na isa siyang mahusay na aktor, isa sa pinakamagaling ngayon sa industriya, masipag, mabait, at nakikita niyang mabuti para sa apo niyang si Janine.

Anak ni Lotlot de leon si Janine at ayon kay Christopher ay nakagisnan na siyang tawaging “Poa” imbes na lolo ng mga anak ni Lotlot at isa na nga dito si Janine.

Inilarawan din niyang very sweet ang kanyang mga apo at close sa kanya as if daw talaga ay may blood relations sila.

Kaya naman naging masaya daw si Echo nang malaman nitong gaya ni Lotlot ay botong-boto din sa kanya si Christopher bilang very soon ay makakatuluyan ni Janine.

“Mukhang hindi naman siya na-shock pero halatang sa pamumula nito ay parang na-pressure ito though naipaliwanag naman niyang he is simply being himself at na-o-overwhelm lang sa reception ng pamilya ni Janine sa kanya,” pahayag ng mga naka-witness kay Echo.

Ang Loyalty Game ang follow-up project nila ni Janine na soon ay mapapanood na sa mga TV platforms matapos itong maipalabas sa Amazon Prime Video noong July-August.

Si direk Mae Cruz-Alviar ang direktor nito at bukod kina Echo (bilang Ben Santos) at Janine (as Ana ), pinagbibidahan din ito nina Sofia Andres, Yassi Pressman, Charlie Dizon, Yen Santos, Elisse Joson, Kira Balinger, Maika Rivera, KD Estrada, Robbie Jaworski, at Carmina Villarroel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles