Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Award-winning Male TV Host, mas trip ang ‘masahe’ ng mga boys kesa mga babae?

Naging sentro ng usapan sa mga spa o massage parlor ang habit o nakagawian na daw ni award-winning male TV host kapag itoý pumupunta sa mga naturang establishments.

Guwapo, matangkad, lalaking-lalaki ang boses at tindig, matalino at talaga namang tipikal na hahabulin ng mga babae ang karisma at appeal ni male tv host pero pinagtatakhan nga ng marami kung bakit kada punta daw nito sa mga massage clinics o spa o parlor ay mga lalaki ang trip nitong kunin bilang therapist?

Ayon pa sa tsika, si award-winning male tv host na very private sa kanyang lovelife ay hindi naman daw nahihiya na kumukuha ng lalaki sa mga massage spa dahil common practice na rin daw ito ng ilan.

Besides, ang lagi daw nitong excuse ay dahil sa nasanay na siya sa klase ng ‘massage pressure’ ng isang male masseur/therapist dala ng kanyang very demanding and taxing na trabaho na madalas ay sumasabak sa mga akyatan, languyan, sisiran, pagragasa sa ulan at baha at ibang nakaka-toxic at nakaka-stress na gawain.

Sa ganung pagpapa-de-stress, pag-relax  at pag-detoxify na lang daw nakakabawi ng lakas at enerhiya si award-winning male tv host na suking-suki sa mga high end massage clinics sa hotels, sa mga well-established and well-lit saunas, spas and the like.

Subalit para sa mga nagdududang mga straight guys, medyo kwestyunable daw ang ganitong gawain lalo’t hindi rin naman labas sa publiko ang pagkakaroon ng girlfriend o ka-relasyong babae ni award-winning male tv host.

Wala pa namang kumakalat o lumalabas na nakakahiya o something na puwedeng ipambala laban sa award-winning male tv host gaya ng mga scandals o ano pa man, pero sa mga may matalas daw na pang-amoy o ‘gaydar’ (radar para malaman ang gender o sex preference ng isang tao), tila daw may pagdududa sila sa nasabing award-winning male tv host.

Lampas trentahin na si male tv host at wala nga itong masyadong napa-publicise na gf o karelasyon nito kahit may mga nali-link na ding iba niyang katrabaho, pero hanggang sa ganung level lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles