Eksklusibong nakapanayam ng BISTADO ang award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa ginanap na Mid-Year Trade event ng TV5 last Aug. 6.
Bilang pinaka-bagong host ng mas pinalawak na Face to Face show, mapapanood na rin sa TV5 ang Rated Korina, na ngayo’y mag-30 years na sa ere.
“I could not be more satisfied as a host dahil talagang may variety ang mga program na ginagawa ko ngayon. Sa Face to Face na nagkaroon ng mas malawak na sakop, talagang direktang mga usapin sa tao ang aming araw-araw na pinag-uusapan dun,” panimula ni Korina.
Hindi daw gaya dati na mga usaping barangay, mga bangayan at awayan ang pokus ng show, nag-evolve na daw ito ngayon sa mas malalim na mga paksa mula sa ekonomiya, negosyo at paghawak ng pera, mga values sa buhay at kultura at mga simpleng usapin sa pang-araw-araw gaya ng pagkain at iba pa.
Sey nga ni Korina sa addition co-hosts niyang sina Laila Chikadora at Cheena Crab, kasama pa rin si Ryle Santiago, “bagong barkada, mga kapatid na nagpapagaan sa flow ng show. Walang Face to Face kung walang pera (Cheena Crab as Pera Godmother) at walang Face to Face kung walang chika (Laila Chikadora for barangay.chika segment).”
At dahil napapanood ngang muli sa ABS-CBN ang naturang show, “it’s good to be back. Yung audience naman talaga ay susundan ka kung talagang gusto ka nila. The good thing with this kind of collaboration between TV5 and ABS-CBN, mas lumalawak talaga ang reach mo and people can easily follow you. Definitely a good thing.”
Tinanong ng BISTADO kung hindi ba siya ‘natatakot’ sa over exposure issue dahil sa dami ng shows niya from lifestyle, magazine type to news anchoring, and political shows eh baka pagsawaan na siya ng tao?
“There’s no such thing as over exposure. I have been in the industry since most of you were still young pero heto nga’t nasa digital age na tayo at lahat tayo ay may mga socmed accounts na, I am still here, doing the good things that I so long wanted to do, to offer our audience what they deserve. Nakakasabay pa rin tayo sa signs of times kumbaga,” sagot ni Korina.
Dagdag pa niya, “iba’-t-iba ang aking naging audience mula sa news programs, sa lifestyle, magazine type, politics and so on, mabuti naman na na-appreciate pa rin ako ng mga manonood. Ika nga ng Tito, Vic and Joey, ‘for as long as may nanonood sa’yo at sinusuportahan ka, walang over-exposure.”
“Paano po iyan Madam, may mga pagkakataon na nagkakasabay-sabay ang programa mo sa TV. Gaya halimbawa nitong Face to Face mo na napapanood sa TV5 at ABS-CBN at mga platforms nila, pero kasabay din nitong napapanood ka sa “Memo” ng Bilyonaryo News Channel?.” hirit na tanong ng BISTADO.
“Ahh, iyan nga ang pinag-uusapan namin ngayon ng mga producers ko. Kailangan naman sigurong may gawing adjustment dahil kahit sabihin nating magkaiba ang format at audience ng shows na iyan, still our televiewers deserve to enjoy both shows in at least different timeslot. Mas maganda at masaya naman sigurong napapanood nila ako na nasa magkaibang shows pero yung may tatak-Korina na minamahal at ginugusto nila. I think naman that can be addressed properly,” paliwanag pa ng pamosong broadcast journalist.
Sa ngayon ay napapanood araw-araw ang Face to Face sa TV5 at ABS-CBN (plus their media platforms) tuwing alas-11-12 ng umaga habang tuwing Sabado naman ang Rated K sa ganap na alas-3 ng hapon.


