Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eala umusad sa R32 ng National Bank Open sa Toronto

Patuloy ang kahanga-hangang kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa hardcourt sa North America nitong Huwebes ng umaga (oras sa Pilipinas) nang talunin si Alycia Parks ng Amerika, 6-1, 4-6, 6-2, upang umusad sa Round of 32 ng National Bank Open sa Toronto, Canada.

Mula sa kanyang unang singles title sa WTA Tour sa Mubadala Citi DC Open sa Washington noong Lunes, sumabak muli ang 21-anyos na Pilipina na dinumog na naman ng mga kababayan.

Pinangunahan ni Eala ang unang set, kung saan nagtala siya ng limang sunod na panalo mula sa 1-1 upang makuha ang set sa iskor na 6-1. Hindi siya naharap sa anumang break point.

Bumawi si Parks sa ikalawang set. Matapos malampasan ang dalawang mahihirap na service game sa simula, nailigtas ng Amerkana ang apat na break point upang makuha ang 3-2 kalamangan.

Pagkatapos ay nagtagumpay siyang i-break ang serbisyo ni Eala sa ika-10 game upang makuha ang set sa iskor na 6-4.

Matapos magpalitan ng break sa simula ng ikatlong set, nakuha ni Eala ang krusyal na break sa ikalimang game upang umangat sa 3-2. Pinanatili niya ang kontrol mula noon, at nanalo sa sumunod na tatlong game upang tuluyang makuha ang tagumpay sa loob ng 1 oras at 51 minuto.

Mas maraming pagkakataon ang nalikha ni Eala sa return, kung saan nakakuha siya ng 14 na break point at nagtagumpay sa lima sa mga ito.

Dalawang break-point opportunity lamang ang nalikha ni Parks at pareho niya itong napagtagumpayan.

Naging 2-1 na ang rekord ni Eala laban kay Parks at nakabawi siya mula sa pagkatalo sa Amerkana sa Australian Open noong Enero.

“I think I had to take it point by point,” ani Eala patungkol sa final set. “Of course I think she played really well in the second and there were definitely things I could have done a little better. I tried to improve on that in the third. I tried to come out hot and just take all the opportunities that I could, because she doesn’t really give you much.”

Si Eala ang unang manlalarong Pilipino na nanalo sa isang main draw sa torneo. Ito rin ang unang sabak niya sa Toronto.

Isa uling Amerkana, si Caty McNally, ang makakaharap ni Eala sa Round of 32 sa Sabado (oras sa Pilipinas).

“I want to thank everybody,” ani Eala sa media interview. “I know Toronto is such a multicultural city, so it’s nice for me to be here for the first time, experience that culture, experience that atmosphere. Of course, out there I felt very at home with all the people supporting me. And I hope that they enjoyed the tennis, I hope that they enjoyed the grounds, and they can see all of these great matches and experience it and want to come back.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles