Dahil sa absence ni Kim Chiu sa It’s Showtime ng ilang araw din nitong mga unang linggo ng August, kumalat at tila marami ang naniniwala sa tsiusmis na kumalat na diumano’y nagdadalantao na ito.
After ng naging biyahe nila ni Paulo Avelino sa Australia kamakailan para sa ASAP, kumalat naman ang tsikang buntis na daw ito.
Marami ang nagkunek nito sa mga naglabasang litrato nito na tila may “umbok” na diumano ang tiyan ni Kim dahil alam naman ng marami na may kapayatan ang aktres host.

Habang sinusulat namin ito ay mukhang hindi pa nakakabalik sa It’s Showtime si Kim.
Balitang humingi din ito ng bakasyon mula sa pamunuan ng show bukod pa sa may mga ginagawa din itong projects outside her TV commitments.
Kumalat lang ang tsismis na nabuntis ito dahil nasanay na marahil ang mga tao na lagi siyang nakikitang bungisngis at magaslaw sa TV.
Pero ayon naman sa mga nakakapanood sa kanya sa ASAP kung saan nga siya tinaguriang “Queen of the Dance Floor, “ganyan ba ang buntis? Kung tumambling-tambling at mag-split-split sa sayaw at kung paano din siyang i-lift at ibato-bato, ay parang wala ng bukas. Grabe ang energy.”
May mga malalapit namang kaibigan ang aktres-host na tahasang dinenay ang
tsismis at sinabing wala naman daw talagang bago sa showbiz kapag medyo hindi napapanood sa regular na show ang isang babaeng celebrity.
“Matagal ng isyu iyan since maging very close sila ni Paulo (Avelino), Sure naman kaming hindi niya iyan ide-deny kung sakali mang totoo. And hello, of age na si Kim sa mga ganyang bagay noh,” hirit pa ng mga kaibigan ng aktres-host.


