Nagmistula nga daw na may malaking pagtitipon sa airport ng Pearson sa Toronto, Ontario Canada nang dumating dito sina Kim Chiu at Paulo Avelino kamakailan.
Sa report na nakuha ng BISTADO, halos inabot daw ng mahigit isang oras bago tuluyang makalabas ng airport sina Kim at Paulo dahil sa pag-istima sa mga pinoy fans nila.
Tuwang-tuwa nga si Kim sa sobrang daming fans na sumalubong sa kanila nitong weekend sa Toronto para sa kanilang series of shows.
Sa sobrang saya at tuwa ay flinex ni Kim sa kanyang socmed accounts ang dami ng fans na magtiyagang nag-abang sa kanila ni Pau sa Toronto Pearson International Airport.
Nasa Toronto ang KimPau para sa last leg ng “Love, KimPau World Tour 2026”. Galing ang dalawa sa Edmonton, Alberta Canada at tapos na rin ang mga shows nila sa Redwood City at Anaheim California.
Tsika nga ng solid KimPau fans, itinodo na nga raw nila ang support sa paborito nilang loveteam kaya kahit sa airport pa lang ay dumumog na sila.
Meanwhile, nakasagap naman ng tsika na binibitbit nga daw ng KimPau ang kanilang “romansa” sa naturang bansa dahil halos hindi daw naghihiwalaya ng dalawa sa maraming pagkakataon.
Lagi daw itong magka-holding hands, nagtatawanan at very sweet sa harap ng mga tao o kahit pa daw silang dalawa lang na akala mo ay mga bagong mag-jowa.
Pahabol ngang tsismis ng mga nakapnood ng kanilang show, “there’s no denying of their being too cozy and comfortable to each other. Lahat ng actions ng isang magjowa at nagmamahalan ay nasa kanila at ipinapakita at ipinararamdam nila. The vibes are really positive and imbibing.”


