Sa “Get, Get, Aw! The Last rAWnd!” concert ng Sex Bomb ay tunay namang nag-viral at pinag-usapan ng husto ang production number ni Sexbomb Rochelle kasama ang guest performer na si Stell Ajero ng SB19.
Sa punumpunong MOA Arena last April 30, ay walang humpay ang sigawan , palakpakan at tilian ng mga fans na kilig na kilig at aliw na aliw sa bardagulan ng dalawa sa saliw ng kanta at sayaw nilang “Baile.”
Naka- cowboy-inspired ensemble si Stell habang ang actress-performer na si Rochelle ay tila naka-Hawaiian costume outfit na perfect for summer.
Viral at umabot na sa daang libong shares sa socmed platforms na Tiktok, FB at Instagram ang nakuhanang video ng nasabing production number na hinahangad nga daw ng marami na sana ay maging regular fixture sa mga future shows ng Sexbomb, here o abroad.
Nakatakdang magkaroon ng shows sa USA ang original all-girl group ng bansa matapos ang very successful stint nila sa Australia early this year at laging sold out concerts sa bansa. Imagine, this year alone ay naka-anim na agad na silang concert.
Meanwhile, mas magiging busy naman ang SB19 sa kanila ding mga shows abroad kaya’t mukhang imposible daw ang wish ng mga fans na muling makita sina Stell at Richell doing the same number on stage.
“Unless magkaroon sila (both groups) ng collab for a concert. Anything is possible at talagang gigibain noon ang mga venues natin sa dagsa ng mga tao. Sana soon mangyari,” komento ng ilang netizen..
“Walang duda, ang OG girl group at ang nag-iisang P-Pop Kings ng bansa on one stage, grabehh… Dream talaga na kering keri magawa. Very relevant,” hirit ng ilan pa.


