Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jolina Magdangal-Marvin Agustin,90’s icon tandem, patok pa rin sa 2026

Sa panayam ng BISTADO kina Jolina Magdangal at Marvin Agustin bilang mga bagong Kapatid artists na mapapanood sa sitcom na ‘Mommy Guard’ masayang ibinahagi ng dalawa ang tila ‘nabuhay’ nilang tandem.

“Oo nga eh, pinagkaka-kitaan pa rin namin,” sagot ni Marvin sa tandem nilang sumikat noong 90’s at nagbigay daan sa kanila para makilala sila ng husto sa showbiz industry.

“But seriously, we are both happy and confident na may maganda din pala kaming na-incontribute sa industry para kahit sa ganitong generation na ay may impact pa rin kami kahit paano,” saad pa ni Marvin na mas nag-focus na nga bilang isang negosyante at nakilala bilang isang matagumpay na restaurateur.

Dagdag naman ni mommy Jolens,”although hindi rin naman talaga kami nawala dahil nagkaroon lang kami ng aming mga sariling focus sa industry, it is still so nice to know na may audience pa rin pala ang 90’s tandem namin. At ang maganda pa ngayon, yung mga anak-anak na ng mga mga original supporters namin ang nakaka-appreciate sa amin o gusto kaming mapanood.”

Sa Mommy Guard ay tinitiyak daw nilang umangkop sa mga totoong karakter at edad nila sa ngayon ang kanilang mga roles.

“Nandun pa rin yung kulit at saya lang pero bilang mga magulang na din kami sa totoong buhay, we also need to address that issue at para hindi naman nakakahiyang mapanood kami ng mga anak namin na umaarteng wala sa wisyo,” sambit ng dalawa.

Very grateful naman si Jolens na kahit mas nakilala siya bilang isang Kapamilya artist, sa pagbabago daw ng panahon ay magiging Kapatid na din siya.

“Masaya naman talaga yung hindi ka limitado o exclusive lang sa iisang network lang. That’s why very thankful and grateful ako sa TV5 executives sa opportunity na ito,” sey pa nito.

“Ako naman dahil may mga nagawa na ding projects sa TV5 before, masayang pagbabalik lang ito pero mas naging dobleng special lang dahil nga finally, kami na ito ni Jolina. Tapos nandiyan pa uli si Dominic (Ochoa), si Roxanne (Guinoo),masaya lang,” hirit  ni Marvin.

Segue tuloy ni Dominic, “ako rin, pinagkakitaan ko na rin ang pagiging third wheel sa kanilang dalawa. Kumbaga, naging parang package deal na itong tambalan namin. But with Roxanne here now na nakasama ko na din sa ibang sitcom, kakaibang riot at humor ang Mommy Guard.”

Makakasama nina Jolina-Marvin, Roxanne-Dominic ang ilan sa mga bagong STAR WORX artists gaya nina Cedrick Juan, Ankie Gray, Tabs Sumulong, GB Labrador kasama sina Susan Africa, Ruby Ruiz, at marami pang iba sa direksyon  ni Roman Perez Jr.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles