Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kayana kukunin kontrol ng Bayad sa P2.7-B deal

Kukunin ng Kayana Solutions Inc. ang mas malaking kontrol sa payment services provider na CIS Bayad Center Inc. o Bayad sa P2.7 bilyong transaksyon sa Manila Electric Co. (Meralco) at wholly owned subsidiary nitong Corporate Information Solutions Inc. (CIS).

Bibilhin ng Kayana ang kabuuang 504,948 common shares ng Bayad, kung saan 476,895 shares ang hawak ng CIS at 28,053 naman ang direktang pag-aari ng Meralco.

Kapag nakumpleto ang deal, magiging associate na lamang ng Meralco ang Bayad. Mananatili naman ang utility sa 27.5 porsiyentong indirect stake sa Bayad sa pamamagitan ng Kayana.

Ang Kayana ay digital transformation company na suportado ng PLDT Inc., Meralco at Metro Pacific Investments Corp.

Sa ownership structure nito, 45 porsiyento ang hawak ng Kayana, habang tig-27.5 porsiyento naman ang stake ng Meralco at Metro Pacific.

Sa pagkuha ng mas malaking kontrol sa Bayad, mas lalawak ang kakayahan ng Kayana na pagdugtungin ang payment at collection infrastructure ng Bayad sa data-driven digital capabilities nito.

Target nitong suportahan ang mas maraming transactions at mas malawak na customer base.

Inaprubahan ng boards ng Kayana at CIS ang bentahan noong March 25 at April 7, ayon sa pagkakasunod.

Noong October 6 naman, inaprubahan ng Meralco board ang pagbabago sa payment terms ng transaksyon.

Sa revised arrangement, magbabayad muna ang Kayana ng initial amount sa closing ng deal, habang ang natitirang balanse ay babayaran sa April 2027.

Sa orihinal na terms, dapat bayaran nang buo ang P2.7 bilyong purchase price sa closing.

Hindi pa final ang closing date dahil kailangan pang matupad ang ilang conditions precedent bago tuluyang makumpleto ang transaksyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles