Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dreamloon, pinatigil ng SEC sa investment solicitation

Pinatigil ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Dreamloon o Dreamloon Philippines at ang lahat ng taong kumikilos para rito kaugnay ng investment scheme nito.

Sa Cease and Desist Order na inilabas sa pamamagitan ng Enforcement and Investor Protection Department (EIPD), inatasan ang Dreamloon at mga leader, officer, operator, administrator, promoter, representative, agent, salesperson, mentor, influencer, conduit entity, subsidiary at iba pang kumikilos sa pangalan nito na agad itigil ang mga aktibidad na sakop ng kautusan.

Kasama sa ipinagbabawal ang pagpapanatili ng anumang internet presence na may kaugnayan sa investment scheme.

Pinagbawalan din ng SEC ang mga respondent na makipagtransaksyon gamit ang funds sa kanilang depository banks.

Hindi rin sila maaaring maglipat, magbenta, mag-dispose o mag-convey ng anumang asset o property kung saan mayroon silang direkta o hindi direktang interest, claim o participation nang walang pahintulot ng SEC.

Ayon sa regulator, layunin ng mga hakbang na pigilan ang dagdag na pinsala sa investing public at mapreserba ang assets para sa kapakinabangan ng mga apektadong investor.

Sakop ng kautusan hindi lamang ang Dreamloon o Dreamloon Philippines bilang pangalan ng operasyon kundi maging ang mga taong at entity na direktang o hindi direktang kumikilos para rito. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles