Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Barbers: P319-M China-linked funds posibleng pangpondo sa 2028 bid ni VP Sara

Posibleng ginamit o inilaan bilang financial support sa 2028 presidential bid ni Vice President Sara Duterte ang P319 milyong China-linked remittances na pumasok sa Cale88 Foods Corp., ayon kay House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers.

Inilahad ni Barbers nitong Miyerkules ang posibilidad habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa financial at business records ng Bise Presidente sa impeachment trial.

“Hindi rin mawawala sa isipan natin na ito ay maaaring pinansyal na suporta sa pagtakbo ng ating pangalawang pangulo. Or hindi kaya, eh kasama sa pagpondo ng mga political propaganda, o hindi kaya ay political machinery ng ating Pangalawang Pangulo,” ani Barbers.

Gayunman, wala pang naipapakitang ebidensya na ang mga remittance ay ginamit para pondohan ang political activities ni Duterte.

Nauna nang kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nakatanggap ang Cale88 ng kabuuang P319,326,770.41 sa inward remittances mula mainland China at Hong Kong.

Sa halaga, humigit-kumulang P315.94 milyon ang nagmula sa mainland China at P3.39 milyon mula Hong Kong. Nakabatay ang figures sa covered transaction reports at suspicious transaction reports na iniharap sa impeachment court.

Lumabas din sa corporate records na si Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Duterte, ay incorporator, director at shareholder ng Cale88 mula 2021 hanggang 2024. Umabot sa 47.5 porsiyento ang kanyang stake noong 2024 bago siya nag-divest noong 2025.

Hindi naman nakilalang shareholder ng Cale88 si Duterte, ngunit idineklara niya ang kumpanya sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Tinukoy din ni Barbers ang naunang pahayag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV tungkol sa umano’y limitadong operasyon ng kumpanya.

“According to him, eh dalawa lang ang empleyado. Pangalawa, ang gastos nito sa kanyang buwanang kuryente sa kanyang factory ay P8,000 lamang,” ani Barbers.

Dahil dito, kinukuwestiyon ng prosecution kung sapat ang reported commercial activity ng kumpanya para maipaliwanag ang laki ng foreign remittances.

Nauna nang inanunsyo ni Duterte noong February 2026 ang kanyang intensyon na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles