Super react at inalmahan ngayon ng mga nagpapakilalang concerned citizens ang viral video na kuha sa segment ng “Eat Bulaga” na “Age Is Right” kung saan binanggit ni Joey De Leon ang salitang “suic_d=”.
May mga nag-call out pa sa MTRCB na sana ay maaksyunan daw ang sinabing iyon ni Henyo Master Joey sa naturang noontime show.
Base sa video na kumakalat sa socmed, guest sa nasabing segment ang isang beauty pageant coach. Siyempre, para maipakita sa viewers ang talent nito, tinawag ni Allan K ang co-host nilang si Ian Red para sagutin ang mahihirap na question ng beauty pageant coach na pang Q & A portion sa mga beauty contest.
At para maaliw ang live audience at team online, kunwari ay hirap na hirap si Ian na sagutin ng straight English ang tanong sa kanya at doon na sinabi ni Joey ang “mag-sui_ci_e ka na!”
Actually, mabilis itong sinabi ni Joey na halos hindi mo nga mapapansin dahil tawanan lang nang tawanan ang mga tao sa studio.
Wala pang sagot si Joey sa mga galit na galit na memang tambay sa online world.


