Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kaliwet Bridge sa Ilocos Sur bukas na, biyahe magiging 5 minuto na lang

LAOAG CITY – Bukas na sa publiko ang Kaliwet Bridge sa Santo Domingo, Ilocos Sur, matapos ang halos isang taong konstruksyon na nagsimula noong June 9, 2025.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), malaking ginhawa ang bagong tulay para sa mga residente at motorista dahil napababa nito ang travel time mula sa town proper papunta sa mga eastern barangay.

Mula dating 15 minuto, limang minuto na lang ngayon ang biyahe.

Mas mataas na rin ang kapasidad ng tulay. Mula dating five-ton load limit, kaya na nitong magdala ng hanggang 20 tons.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P36 million.

Nauna nang ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang proyekto noong nakaraang buwan. Nagbigay siya ng ultimatum sa contractor na tapusin ang tulay bago matapos ang May matapos bumigay ang detour bridge nang tangkaing daanan ng overloaded 10-wheeler truck.

Para kay Barangay Nalasin village chief Vicente Gonzales Jr., malaking tulong ang pagbubukas ng tulay sa araw-araw na galaw ng mga tao sa lugar.

Tinawag niya ang completion ng proyekto na “great relief” para sa commuters at motorists.

“We are grateful to the DPWH. The bridge is now passable,” ani Gonzales.

Nauna nang inatasan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. si Dizon na tiyakin ang kalidad at takdang oras ng completion ng infrastructure projects sa buong bansa.

Kabilang sa mga binanggit na proyekto ang Kaliwet Bridge sa Ilocos Sur at ang tatlong hindi pa natatapos na tulay sa Piddig, Ilocos Norte, ang Loing-Mangitayag, Cabaroan, at Estancia bridges.

Ayon sa direktiba ng Pangulo, kailangang matapos ngayong taon ang lahat ng pending na proyekto ng DPWH para mas maayos na maipamahagi ang resources ng ahensya at mauna ang mga proyektong kailangang tutukan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles