Bilang naging bahagi si Joshua Zamora ng sikat na Maneuvers noong 90’s at ngayo’y asawa na niya si Jopay Paguia, isa sa mga tanyag ng members ng SexBomb, hindi naiwasan ng aktor-dancer na magbigay ng kanyang saloobin.
Hindi man niya direktang kinumpirma ang kumalat na “rift” ng dalawang kilalang members ng pamosong Sex Bomb group nas ina Jopay Paguia at Rochelle Pangilinan, ramdam naman daw niya ang tension sa mga ito.
Sa tagal na niya sa industriya since sumikat ang grupo nila bilang official back-up dance group ni Gary Valenciano noong 90’s, alam daw niya ang mga kalakaran ng isang grupo.
No matter how professional they wanted to appear daw, mayroon at magkakaroon ng isyu sa grupo lalo’t sikat ito.
“Each has her own responsibility, may kani-kaniya din iyang mga moment or a bad hair day o mali ang gising o may personal issue na nadadala minsan sa workplace. So ang resulta minsan, yung tension nabibitbit sa grupo. And in this day and age, lahat namamagnify dahil sa social media,” bahagi pa ng paliwanag ni Joshua.
Inamin pa nitong kahit siya nga na mismong asawa na ni Jopay ay may mga pagkakataon pa din daw na nami-misinterpret nila ang isa’t-isa kaya’t how much more pa yung nakakatrabaho mo na may sarili ding mga isyu.
Magkakaibigan at magkakapamilya na ang turingan ng bawat member ng Sex Bomb at na-extend pa nga daw ito sa kanilang mga respective partners at maging sa mga anak nila sa ngayon.
Naniniwala si Joshua na mawawala din ang tension sa asawa niya at kay friend Rochelle niya lalo’t napakadami daw nilang ginagawang mga shows ngayon here and abroad since mauso ang mga ‘comeback shows o reunion events’ ng mga gaya nilang nakilala noong 90’s.
Ayon naman sa napag-alaman ng BISTADO nito lang birthday ni Joey de Leon sa EAT BULAGA kung saan nag-originate at ipinanganak ang Sex Bomb, iniintriga sina Jopay at Rochelle na gumigimik lang daw para may pag-usapan sa kanilang mga upcoming shows.
May mga nagsasabi pang dahil mistula na daw silang mga tita o nanay ng girl group na BINI, baka daw parte lang ang lahat ng isyu ng isang PR machinery gimmick dahil sumasabay lang din sila sa “gulo” sa social media na usong-uso sa ngayon.


