Sa muling pagharap ng award-winning broadcast journalist sa mga kasamahan sa media ay muling naitanong ang matagal ng umiikot na tanong ng sambayanan kung siya ba ay finally lalahok sa pulitika sa 2028 national elections.
“Alam ninyo hindi na matapos-tapos iyang isyu na iyan kaya’t once and for all, muli akong sasagot na hindi naman yun imposible. I already have two grown up lovable and wonderful kids, masaya ang buhay namin ni Mar (Roxas), may mga shows na na direktang may kaugnayan sa maraming buhay ng mga pilipino, naghahatid pa rin tayo ng mga balita at isyu ng bayan, so somehow talaga, whether I like it or not, maraming mga pagkakataon that I need to involve, I feel obligated to get involved sa dami ng mga problema, etc. HIndi naman tayo nagpapanggap na kaya nating lutasin ang lahat ng mga iyan, pero kahit naman siguro paano ay may maiaambag tayo, ” pahayag ni Korina.
Although nagagawa na rin naman daw nila sa maraming ng mga programa nila sa TV o media ang i-approach ang mga isyu ng ordinaryong pinoy, siyempre mas malaki pa rin daw ang magagawa kapag may mga batas at nasa posisyon ka, at may mga pondo na dapat ay makarating at maiparating sa tamang mga sektor.
Subalit may malaking kondisyon ang mahusay at matikas na broadcast journalist at TV host of ever daw na makumbinsi siya na pasukin na ang lehitimong pagiging public servant.
“Naku, hindi ko gagastusan ng bongga ang kampanya ko kung sakali man. I wanted my hard earned money to be shared and spent on more noteworthy endeavors. Hindi ko kayang bumili ng boto para manalo lang,” saad pa nito.
“If ever, one term lang siguro. Hindi talaga pwedeng gawing hanapbuhay ang pulitika. At hindi dapat ginagawang hanapbuhay iyan ng mga nangangarap pumasok diyan,” hirit pa ni Korina.
Dagdag pa niya, “mas okey siguro ang national. Masyadong time consuming, madugo at mawawalan ka ng buhay kapag local level ang sinalihan mo. Nandun talaga ang puspusang trabaho at tutok na totok ka dapat. Sa national level, kahit papano, you can do other things like what I am still doing right now. With the right people na makakasama and programs na gagawin nating advocacies, yung mga policies and laws, mas mabilis ma-implement.”
Pero ayon pa rin kay Korina na napakaraming mga bagay pa siyang ikukunsidera para makumbinsi siyang magkaroon ng posisyon sa gobyerno bilang isang politiko.
“I am not closing my doors to it but, the big but is we will cross the bridge when we get there,” pakli nito.
Sa kasalukuyan ay napapanood si Korina sa napakaraming TV programs sa halos lahat ng major TV networks at mga media platforms na ka-affiliate ng mga ito, plus aktibo din siya sa social media.
Sa TV5 ay nag-rebranding ang Face to Face na ngayo’y tatawagin ng “Gandang Mornings, with ate Koring,” na mapapanood from Monday to Friday ng 11-12 ng tanghali.
Naririyan pa rin ang kanyang “Rated Korina,” na tuwing linggo namang napapanood sa hapon sa mga channels ng ABS-CBN, TV5 at iba pang platforms.
Mayroon pa din siyang programa sa Net25 at bonggang bongga din ang kanyang araw-araw na news and current affairs programs sa BILYONARYO NEWS Channel na “MEMO” at “AGENDA.”
“Hindi na uso ang so-called ‘over-exposure’. Sa dami ng mga platforms ngayon at sa pag-iba-iba ng audience, kailangan nating palawakin at palawigin din ang mga naabot natin o gusto nating abuting audiences,” saad ng pamosong anchor-host.


