Naghirap sa limang set ngunit wagi pa rin ang paboritong Creamline sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference finals kontra Cignal, 25-23, 22-25, 25-16, 16-25, 15-11, Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Hindi naka-isa ang Cignal sa best-of-three championship matapos ang panalo rin ng Creamline sa Game 1 noong Martes, 25-22, 25-18, 25-16.
Sa kabuuan, ito ang pang-11 na titulo ng Creamline sa PVL. Nabitawan nila ang All-Filipino trophy noong 2025 nang matalo sa Petro Gazz sa semifinals.

Si Tots Carlos ang pumatay sa pag-asa ng Cignal nang magpakawala ng kill at supalpalin si Most Valuable Player Vanie Gandler para sa championship point.
Sulit ang panonood ng 17,358 fans sa loob ng dalawang oras at 23 minuto.
Lumamang pa ang Cignal, 9-7, sa 5th set ngunit humabol sa pamamagitan ng 6-1 run para sa 13-10 abante.
Lumapit muli ang Cignal sa 11-13 bago ang dalawang huling puntos mula kay Carlos.
“We had so many challenges, so many struggles and we are fortunate enough to be champions again,” ani Bernadeth Pons, ang Finals MVP na gumawa ng 22 puntos.
Samantala, nakuha ng PLDT ang third place sa pamamagitan rin ng 2-0 sweep laban sa Farm Fresh. Ang Game 2 ay nagtapos sa 25-14, 21-25, 25-21, 21-25, 15-5 resulta.


