Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jessica Soho, “walang reaksyon” sa back-to-back show nila ni Vice Ganda

Marami pa rin ang naghihintay sa reaksyon ni award-winning broadcast journalist Jessica Soho hinggil sa pagkakaroon o paglipat ng programang Gandang Gabi Vice sa GMA 7.

Simula nang mapag-usapan at magkaroon ng negosasyon ang mga top executives ng parehong GMA 7 at  ABS-CBN tungkol sa paglalagay sa programa ng Unkabogable Star sa Kapuso network ay marami na ang nagsabing tiyak na kinunan ng opinyon si Jessica.

May mahalagang posisyon sa Kapuso network si Soho bukod pa sa tunay namang nirerespeto at tinitingala ito ng buong media entities and practitioners.

Gandang Gabi Vice, nasa GMA 7 na… mula sa FB

Kaya’t imposible daw na hindi ito mag-react lalo’t ang naging “sigalot o isyu” nila noon ni Vice Ganda ay hindi naman totally na-resolve.

Matatandaang hindi tinanggap ni Soho ang ginawang public apology noon ng komedyante sanhi ng naging pambabastos nito sa award-winning broadcast journalist sa isang concert nito at ginamit pa itong paksa ng kanyang “rape joke humor.”

Nangyari ang insidente noong May 2013 sa concert ni Vice na may titulong I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta.

At ngayong bubuhaying muli ang isa sa mga matagumpay na shows ni Vice Ganda sa TV at sa GMA 7 pa ilalagay, at sa araw na namamayagpag din ang programang Kapuso Mo Jessica Soho (I-KMJS Na Iyan) , sari-saring opinyon nga ang ngayoý lumalabas.

Ayon sa mga naglalabasang press releases, ngayong Sept. 13 (Linggo) na ito magsisimula sa ganap na ika-10 ng gabi. 

Napapanood ang Kapuso Mo Jessica Soho tuwing Linggo ng ika-8 naman ng gabi kaya’t lumalabas na magiging back-to-back sila ni Vice Ganda kapag Linggo sa GMA 7 at mga broadcast platforms nito.

Dahil diyan ay sinubukan ng BISTADO na kunan o hingan ng reaksyon ang mga nasa likod ng Kapuso Mo Jessica Soho at maging ng award-winning broadcast journalist at top executive din ng GMA 7 subalit isang mahiwagang “wala pong reaksyon, walang comment,” ang ipinarating na sagot ng ating Kapuso source sa BISTADO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles