Maraming mga ‘beauconera’ (beauty pageants enthusiasts) ang hindi pa rin makapaniwalang naging biktima umano ang pambato ng Pilipinas ng “lutuan” sa Miss World 2026.
Kinuyog ng mga netizen na sumusuporta kay Asia Rose Simpson, ang half-filipina, half-American na delegado ng Pilipinas sa katatapos lang na 73rd Miss World pageant na ginanap last Sept. 5 sa the April 2nd Square, Nha Trang, Vietnam.
Ang delegate mula sa Dominican Republic na si Joheirry Mola Dominguez ang kinoronahang bagong Miss World mula sa 111 na countries na lumahok.
Naging runners-up niya sina Elisabeth Reynés (Spain) at Taanusiya Chetty (Malaysia).
Tinanghal ding mga Continental Queens ang mga nakakuha ng matataas na marka mula sa mga hurado at winners ng Fast Track contest na bahagi ng Miss World.

Mula sa Europe ay Elisabeth Reynés (Spain), sa Asia ay si Taanusiya Chetty (Malaysia), Africa si Romanda Hombir (South Africa), Americas si Gabriela Botelho (Brazil), Caribbean si Georgia-Lee Gill (Trinidad & Tobago) at sa Oceania ay si Tiare Henry-Anguna (Cook Islands).
Ang Fast Track ay mga events para sa mga aspeto ng Beauty With a Purpose, People’s Choice, Multimedia Challenge, Sports Challenge, Talent, Top Model at Head-to-Head.
Si Miss Philippines ang nanalo sa Head to Head Challenge kaya siya awtomatikong pumasok sa top 20 hanggang sa top 12 kung saan sa Asia-Oceania ay sila ni Miss Vietnam ang naglaban..
At dahil isa lang mula sa naturang kontinente ang dapat pumasok sa top six, ang host-country Vietnam ang naka-advance.
Sa naging Q&A nila ay tila pinaboran ang sinasabing wala namang kalatoy-latoy na sagot ni Miss Vietnam kumpara sa mas magaling, brief and concise na answer ni Miss Philippines.
Ipinagtataka din ng marami kung bakit hindi nag-advance sa top six si Asia Rose gayung kitang-kita daw sa naging performances nito ang laging pagkakasali sa lahat halos ng Fast Track events.
Sa Beauty with a Purpose (BWAP) ay pasok si Asia Rose with her SED (Sports and Dance) Initiative, habang nag-top 3 siya sa Talent Competition after performing her original dance piece, “Succor”. Nag-top 24 din siya sa Sports Challenge at pumasok din sa regional finals ng Top Model.
Sa Head-to-Head Challenge ay tunay namang nagpakitang gilas siya kaya’t sa Asia and Oceania leg ay siya ang nag-champion hanggang sa mag-number one kaya’t nasiguro niya ang spot sa Top 20.
Ayon sa mga netizen ay halatang-halata at nakita umano ng mga nakatutok kung paanong inagrabyado si Miss Philippines.
“Cooking show na cooking show. Pinilit nilang ipasok si Miss Vietnam at panindigan ang rule na isa lang from each continent ang dapat pumasok sa top six. Si Malaysia na top winner ng Beauty With a Purpose ay ginawang automatic top six, pero si Philippines na top winner sa Head to Head ay hanggang sa top 12 lang? Ano yun?,” litanya pa ng mga galit na galit na fans at supporters.
Si Asia Rose na ang sinasabing pinaka-prepared at very consistent sa mga naging delegate ng Pilipinas sa naturang oldest beauty pagenat sa buong mundo.
At 18 years old, marami pa rin ang nagsasabing malayo pa ang posibleng marating at maabot nito sa international beauty pageantry.
Sa buong kasaysayan ng Miss World, si Megan Young pa rin ang kauna-unahan at nag-iisang nakoronahang pinay Miss World noong 2013.
Maraming beses na tayong nakalapit sa korona simula noong 1973 first runner-up win ni Evangeline Pascual, though 1966 pa lang ay nagpapadala na ang Pilipinas ng delegate at si Vivian Austria nga ang unang naipadala ng bansa.
Ang ilang mga pangalan na nagmarka sa kasaysayan ng Pilipinas sa naturang patimpalak-kagandahan ay sina 1968 Cecilia Amabuyok 4th runner-up (unang-unang placement ng Pilipinas), 1993 Ruffa Gutierrez 2nd runner-up and was named Asia’s Continental Queen of Beauty, 2011 Gwendoline Ruais, 1st runner-up, 2016 Catriona Gray, Top 5 bago pa man siya naging 2018 Miss Universe at si 2019 Michelle Marquez Dee,Top 12.
Ayon pa sa mga pageant observers, sa naturang kontes lang daw talaga nahihirapang makakuha ng mga titulo ang Pilipinas considering na itinuturing na “powerhouse” ang bansa sa mga beauty pageants kung saan lahat na yata ng major at minor titles sa buong mundo ay may mga korona na ang bansa.


