Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Janice de Belen, bilib sa pagiging maka-pamilya ni Daniel Padilla

“When you see that your child is happy, ano’ng karapatan mong makialam at gumitna dun sa happiness? Basta happy ka, ‘yun lang ang gusto ko,” ang bahagi ng naging tugon ng award-winning actress na si Janice de Belen nang kumustahin siya ng King of Talk sa programa nito sa GMA 7 nitong weekend.

Sa programang Fast Talk ni Boy Abunda, diretsong sinabi ni Janice na never naging isyu sa kanila ng mga anak niyang babae ang tungkol sa pagkakaroon ng mga ito ng boyfriend o karir.

 “I always tell my children kasi, ‘Since gusto n’yo ‘yung relationship na ‘yan, there will always be misgivings coming from me. Kasi ang gusto ko lang naman as a parent, hindi sila masaktan. ‘Yun lang ‘yun, ‘yun lang ‘yun, ‘wag masaktan, ‘wag mahirapan,” dagdag pa nito.

Binanggit din ng aktres na kung maaari ay ayaw niyang danasin ng mga anak ang sakit na dinanas din niya dahil sa pag-ibig noon. Subalit nilinaw din nitong kahit ganun daw ang nangyari sa kanya ay never pa din niyang ipipilit ang anumang gusto niya o rule pagdating dito.

“Allow them to learn. Siguro yun talaga ang pinaka-sikreto ng mas harmonious na mother-daughter o son relationships. May kani-kaniya kasi talaga tayong pinagdadaanan,” pahayag pa ni Janice.

Pagbabalik-tanaw pa ng aktres, “Naging rebelde rin ako in a way and I’ve always asked my parents to trust me, so nagri-ring ‘yun sa ulo ko every time na naiinis ako o parang ‘Tama ba ‘to?’ Lagi kong naiisip ‘yun. ‘Huy, Janice. ‘Di ba, sabi mo rin ‘yan dati, pagkatiwalaan ka?’ I have to trust my children na kaya nila, kaya nilang panindigan.”

Sa ngayon nga daw ay masaya siyang nakikita na masaya ang mga anak niya sa mga pinili nilang karir o boyfriend.

At dahil medyo high profile among these daughters si Kaila na gf nga ng kilalang aktor na si Daniel Padilla, “I am simply there, supporting at nanay pa rin sa mga dapat na usaping nanay.”

Kilala naman daw niyang responsable at mabuting tao si Daniel at base na rin sa mga galawan nila sa showbiz, “I have nothing but praises to him, yung pagiging maka-pamilya din niya lalo na sa mga kapatid niyang babae.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles